Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 4/15 p. 31
  • Mag-ingat sa mga Apostata!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mag-ingat sa mga Apostata!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Ipaglabang Mabuti”
  • Mga Babalang Ibinigay sa Atin
  • Patuloy na Labanan
  • Aklat ng Bibliya Bilang 65—Judas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Judas, Ang Liham ni
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • “Makipaglaban Nang Puspusan Ukol sa Pananampalataya”!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Mga Tampok na Bahagi sa mga Liham ni Juan at ni Judas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 4/15 p. 31

Mag-ingat sa mga Apostata!

Mga Tampok Mula sa Liham ni Judas

ANG mga lingkod ni Jehova ay kailangang “mapoot sa masama” at “manatili sa mabuti.” (Roma 12:9) Ang manunulat ng Bibliya na si Judas ay tumulong sa iba na gawin ito sa kaniyang liham na ipinadala buhat sa Palestina marahil mga 65 C.E.

Ang kaniyang sarili ay tinawag ni Judas na “isang alipin ni Jesu-Kristo, ngunit isang kapatid ni Santiago.” Ang Santiagong ito ay malinaw na ang kilalang-kilalang kapatid ni Jesu-Kristo sa ina. (Marcos 6:3; Gawa 15:13-21; Galacia 1:19) Si Judas samakatuwid ay kapatid ni Jesus sa ina. Gayunman, marahil ay naisip niya na hindi nababagay na banggitin ang kaniyang likas na kaugnayang ito, yamang si Kristo noon ay isang niluwalhating personang espiritu sa langit. Ang liham ni Judas ay lubhang tuwiran ng pagbibigay ng payo na makatutulong sa atin na “manatili sa mabuti” at mag-ingat sa mga apostata.

“Ipaglabang Mabuti”

Bagaman ang layunin ni Judas ay sumulat tungkol sa kaligtasan para sa lahat ng Kristiyano, nakita niyang kailangang sumulat sa kaniyang mga mambabasa na “ipaglabang mabuti ang pananampalataya.” (Talatang 1-4) Bakit? Sapagkat may masasamang tao na nagsipasok nang lihim sa kongregasyon at ‘ang di-sana-nararapat na awa ng Diyos ay ginagawang dahilan ng paggawa ng kalibugan.’ Sila’y may maling paniwala na maaari nilang sirain ang mga kautusan ng Diyos at manatili pa ring kasama ng kaniyang bayan. Harinawang tayo’y huwag kailanman padala sa gayong masasamang pangangatuwiran kundi laging ang sundin natin ay katuwiran, napasasalamat na sa pamamagitan ng dugo ni Jesus ay maawaing hinugasan tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan.​—1 Corinto 6:9-11; 1 Juan 1:7.

Mga Babalang Ibinigay sa Atin

Kailangan na mag-ingat laban sa ilang saloobin, paggawi, at mga tao. (Talatang 5-16) Sapagkat ang ilang Israelitang iniligtas sa Ehipto ay nagkulang ng pananampalataya, sila’y pinuksa. Ang mga anghel na umalis sa kanilang talagang kalagayan ay “inilaan sa mga tanikalang walang-hanggan sa pusikit na kadiliman [sa espirituwal] para sa paghuhukom sa dakilang araw.” Dahil sa pagpapakabuyo sa imoralidad ang Sodoma at Gomorra ay dumanas ng “parusang walang-hanggang apoy.” Kung gayon, laging palugdan natin ang Diyos at huwag kailanmang umalis sa “landas ng buhay.”​—Awit 16:11.

Di-tulad ng arkanghel na si Miguel, na hindi man lamang nangahas gumamit laban sa Diyablo ng isang hatol na may pag-alipusta, ang mga taong balakyot ay umalipusta sa “mga maluwalhati,” maliwanag na yaong mga taong binigyan ng Diyos at ni Kristo ng kaluwalhatian bilang pinahirang matatanda. Tayo’y huwag kailanman magpakita ng di-paggalang sa bigay-Diyos na autoridad!

Ang masasamang halimbawa ni Cain, Balaam, at Kore ang sinunod ng mga taong balakyot. Sila’y naging isang espirituwal na panganib na maihahalintulad sa mga batuhan na nakatago sa ilalim ng tubig at mistulang mga alapaap na walang tubig at patay, nabuwag na mga punungkahoy na hindi nagbubunga ng anumang mapapakinabangan. Ang mga apostatang iyon ay mga taong mapagbulong, mareklamo, at ‘palahanga sa mga pagkatao alang-alang sa kanilang sariling kapakanan.’

Patuloy na Labanan

Sumunod ay nagbigay si Judas ng payo sa paglaban sa masasamang impluwensiya. (Talatang 17-25) Magkakaroon ng mga manlilibak sa “huling panahon,” at sila’y kailangang tiisin ng tunay na mga Kristiyano pati ang kanilang mga panunuya ngayon. Upang malabanan ang gayong masasamang impluwensiya, tayo’y magpakatibay sa ating “kabanal-banalang pananampalataya,” manalangin na puspos ng banal na espiritu, at manatili sa pag-ibig ng Diyos, samantalang hinihintay ang pagkahayag ng awa ni Jesus.

Maliwanag na sa pagpapanggap ng mga bulaang guro, ang ilan ay nagkaroon ng mga pag-aalinlangan na ang sanhi ay ang mga taong masasama. (Ihambing ang 2 Pedro 2:1-3.) At ano ang kinailangan ng mga nag-aalinlangan? Aba, espirituwal na tulong upang sila’y maagaw sa “apoy,” ang walang-hanggang pagkapuksa! (Mateo 18:8, 9) Subalit ang mga maka-Diyos ay hindi kailangang matakot sa ganiyang kahihinatnan, sapagkat sila’y iingatan ni Jehova buhat sa “pagkatisod” sa kasalanan at sa pagkapuksang naghihintay sa mga apostata.

[Kahon sa pahina 31]

Nakatagong mga Batuhan: Si Judas ay nagbabala sa mga kapuwa Kristiyano tungkol sa ‘mga batuhan na nakatago sa ilalim ng tubig sa kanilang mga piging ng pag-iibigan.’ (Judas 12) Nagkukunwaring umiibig sa mga mananampalataya, ang gayong mga apostata ay tulad ng matutulis na batuhan sa ilalim ng tubig na maaaring makasira sa mga barko o kasalpukan at makamatay ng mga manlalangoy. Ang mga piging ng pag-iibigan ay marahil mga bangkete na doon inanyayahan ng nakaririwasang mga Kristiyano ang maralitang mga kapananampalataya nila. Ang Pari ng Simbahan na si Chrysostom (347?-407 C.E.) ay nagsabi: “Silang lahat ay nagtitipon sa isang pangkalahatang piging: ang mayayaman ay nagdadala ng mga inilaang mga pangangailangan, at ang mga dukha at yaong walang-wala ay inanyayahan, silang lahat ay nagpiging na sama-sama.” Anuman ang uri ng sinaunang mga piging ng pag-iibigan, ang babala ni Judas ay tumulong sa mga nananampalataya na mag-ingat sa apostatang ‘nakatagong mga batuhan’ na maaaring magdulot ng espirituwal na kamatayan. Bagaman ang mga Kristiyano ay hindi inuutusan na magdaos ng mga piging ng pag-iibigan, at hindi na naman ginaganap ito sa ngayon, ang mga lingkod ni Jehova ay nagtutulungan sa isa’t isa sa materyal na mga pangangailangan kung panahon na kinakailangan at may kalugud-lugod na pagsasamahan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share