Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 5/1 p. 24
  • Si Jehova ang Nagbibigay ng Kaginhawahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Si Jehova ang Nagbibigay ng Kaginhawahan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Sama-samang Sumusulong sa Pag-ibig
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Pagbibigay ng Tulong—Lumuluwalhati kay Jehova
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Kapag Hindi Dumarating ang Ulan
    Gumising!—1999
  • Pagtulong sa mga Biktima ng Sakuna
    Saan Napupunta ang Donasyon Mo?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 5/1 p. 24

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Si Jehova ang Nagbibigay ng Kaginhawahan

KAMAKAILAN, ang mga Saksi ni Jehova sa Timog Aprika ay nakabalita ng malubhang kalagayan ng kanilang espirituwal na mga kapatid sa isang kalapit na bansa na kung saan ibinabawal ang kanilang pangangaral. Iniulat sa kanila na dahil sa isang matinding tagtuyot, ang kanilang mga kapatid ay nakapagtatawid-buhay sa pamamagitan ng pagkain ng ilang mga bungang-ugat. Sila’y kulang din ng nararapat na kasuotan, kaya naman may ilang mga Saksi na atubili na makibahagi sa ministeryo sa larangan.

Tumugon naman karakaraka ang mga kapatid sa Timog Aprika. Sa mga lokal na kongregasyon sa purok ng Johannesburg ay nanawagan tungkol sa pangangailangan ng pananamit. Hindi lumipas ang mga araw, tatlong toneladang damit ang iniabuloy. Ang mga ito ay agad-agad pinagbukud-bukod ng boluntaryong mga mangagawa. Nagsagawa ng mga kaayusan upang magpadala ng 3 toneladang balatong, 1 toneladang mantika, 1 toneladang sabon, at 17 toneladang giniling na mais. Nang mabalitaan ng kompanya na nagsusuplay ng giniling na mais ang suliranin ng mga Saksi sa dinaanan ng tagtuyot na lupain, sila’y nag-abuloy ng mahigit na isang toneladang pagkaing ito na lubhang kailangan.

Noong Lunes, Abril 16, 1990, isang trak na kargado ng 25 toneladang mga paglalaan na itutulong ang umalis ng Timog Aprika para sa 5,500 kilometrong paglalakbay nito. Subalit ngayon ay dapat kumuha ng pahintulot buhat sa mga autoridad upang maipasok ang mga suplay sa kanilang bansang sinalanta ng digmaan.

Ang mga autoridad sa konsulada ay nagsabi na bagaman ang mga Saksi ni Jehova ay hindi kinikilala sa kanilang bansa, sila’y may lubos na kabatiran sa kanilang pagkanaroroon. Hindi tumutol bahagya man sa pagpapadala ng mga pangangailangan na tulong sa ating mga kapatid. Ipinagkaloob ang permiso. Ibinigay ang kinakailangang mga dokumento, at noong Biyernes, Abril 20, ang mga Saksi ay tumawid sa hangganan nang walang-anumang problema. Gayunman, napaharap sila sa mahigit na 30 halang sa daan, anupa’t malimit na sila’y hinihilingan na ipakita ang kanilang mga dokumento. Saka lamang nila natalos kung gaano kahalaga ang gayong mga dokumento.

Pagkatapos na makapaglakbay ng mga 140 kilometro papasók ng bansa, sila’y napigil ng isang malaking ilog na binabaha. Ang dating tulay ay nawasak na, at ang pansamantalang tulay na ginawa roon ay hindi angkop na daanan ng isang malaking trak. Gayumpaman, nakita nila na ang mas maliit na sasakyang kasama ng convoy ay makatatawid nang ligtas sa binabahang tulay. Napagpasiyahan na sila’y maghati sa dalawang grupo. Isang kampo ang itinayo sa binabahang ilog para sa isang grupo, samantalang ang isang grupo naman ay nagpatuloy ng kanilang paglalakbay upang salubungin ang mga kapatid na mga 260 kilometro pa ang layo pahilaga. Anong tuwa nila sa wakas nang makatagpo ang mga kapatid! Hindi nila mapigil ang ngumiti, yumakap at makipagkamay. Maya-maya dalawang lokal na mga trak ang naglakbay upang kaunin ang isa pang grupo ng mga kapatid na naghihintay sa tabi ng ilog. Doon, ang tulong na mga suplay na nasa malaking trak ay inilipat sa dalawang mas maliliit na trak.

Ang mga ulat na tinanggap ay nagpapahiwatig ng taimtim na pasasalamat ukol sa materyal na tulong na inilaan ni Jehova. Gayumpaman, sa kabila ng kanilang pisikal na suliranin, ang pangangailangan ng mga kapatid sa espirituwal na pagkain ay higit na malubha. Isang kongregasyon ang nakakuha ng isa lamang Bantayan, na kinailangang kopyahin para sa bawat pamilya. Salamat kay Jehova, at ang mga kaayusan sa ngayon ay nagpapatuloy upang maglaan ng isang matatag na daloy ng espirituwal na pagkain para sa mga kapatid sa bansang iyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share