Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 1/15 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Malaking Baha
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • ‘Iningatan Siyang Ligtas Kasama ng Pitong Iba Pa’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Siya ay “Lumakad na Kasama ng Tunay na Diyos”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 1/15 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Bakit si Noe ay nagpalipad buhat sa daong ng isang uwak at pagkatapos ay ng isang kalapati?

Ang Bibliya ay walang ibinibigay na detalyadong paliwanag. Subalit, waring may katuwiran ang ikinilos ni Noe.

Sa loob ng 40 araw at 40 gabi, ang lupa ay dumanas ng isang napakalakas na pag-ulan, anupa’t lumikha ng isang baha na tumakip kahit sa mga taluktok ng mga bundok sa loob ng limang buwan. Pagkatapos “ang daong ay sumadsad sa mga bundok ng Ararat.” (Genesis 7:6–​8:4) Makalipas ang mga buwan, pagkatapos na “lumitaw ang mga taluktok ng mga bundok,” si Noe ay “nagpalipad ng isang uwak, at ito’y nagpatuloy ng paglipad sa himpapawid, at ito’y nagparoo’t parito ng paglipad sa labas, umaalis at bumabalik-muli.”​—Genesis 8:5, 7.

Bakit isang uwak? Ang ibong ito ay isang magaling na manlilipad, at maaaring mabuhay sa sari-saring pagkain, kasali na ang laman ng patay. Marahil ang pinalipad ni Noe ay yaong uwak upang makita kung babalik muli iyon o lilipad nang malayo sa daong, marahil kakain ng mga labí ng mga nangamatay na hayop na napahantad habang humuhupa ang tubig at lumilitaw ang lupa. Gayunman, ang uwak ay hindi patuloy na lumayo. Sinasabi ng Bibliya na ito’y bumalik, ngunit hindi sinasabi niyaon na ito’y bumalik kay Noe. Marahil ito’y bumalik upang magpahinga sa daong sa pagitan ng mga paglipad upang makasumpong ng pagkaing lumulutang sa hindi pa humuhupang tubig.

Nang malaunan, minabuti ni Noe na magpalipad ng isang kalapati. Ating mababasa: “Hindi nakasumpong ang kalapati ng madadapuan ng talampakan ng kaniyang paa, kaya nagbalik sa kaniya sa daong.” (Genesis 8:9) Ipinahihiwatig nito na sa sariling paraan, ang kalapati ay maaaring magamit sa pag-alam kung humupa na ang tubig. Ang mga kalapati ay may malaking pagtitiwala sa mga tao. Maaasahan ni Noe na babalik ang kalapati, hindi lamang upang magpahinga sa daong, kundi kay Noe mismo.

Sinasabi na ang mga kalapati ay nagpapahinga lamang sa tuyong lupa, ang pagkaalam ay lumilipad ito nang mababa sa mga libis at kumakain ng halaman. (Ezekiel 7:16) Binabanggit ng Grzimek’s Animal Life Encyclopedia: “Gaya ng totoo tungkol sa lahat ng mga batu-bato at mga kalapating nanginginain ng mga buto at mga nues, may kahirapan ng pagpapakain sa mga ito pagka ang niyebe [o tubig] na bumaha ay naroroon sa loob nang mahigit na isang araw, ang karamihan ng kanilang potensiyal na pagkain ay nasa lupa sa ibabaw.” Kaya ang kalapati ay maaaring bumalik upang dalhin kay Noe ang ilang katibayan na iyon ay nakasumpong ng tuyong lupa o tumutubong mga halaman. Nang unang paliparin iyon ni Noe, ang kalapati ay basta bumalik sa kaniya sa daong. Nang ikalawang pagkakataon, ang kalapati ay bumalik na may dalang isang dahon ng olibo. Nang ikatlong pagkakataon, hindi na iyon bumalik, na nagpapatunay na posible at ligtas naman para kay Noe na lumabas na sa daong.​—Genesis 8:8-12.

Samantalang maituturing ito ng iba na mga detalyeng nagkataon lamang, ang bagay na lubhang espesipiko ang pagsasalaysay, na hindi nahihirapang magbigay ng buong paliwanag, ay nagpapakita na ang Bibliya ay mapaniniwalaan. Nagbibigay ito sa atin ng karagdagang dahilan na tanggapin ang ulat, bilang hindi gawa-gawa lamang o inimbento, kundi talagang totoo. Ang kakulangan ng napakaraming detalye at paliwanag ay nagpapahiwatig din ng interesanteng mga bagay na maaaring asahan ng tapat na mga Kristiyano na maitatanong kay Noe pagka siya’y binuhay na muli at kaniyang tuwirang maipaliliwanag ang mga detalye ng kaniyang ikinilos.​—Hebreo 11:7, 39.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share