Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 9/1 p. 30-31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Hindi Nagdiriwang ng Birthday ang mga Saksi ni Jehova?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Kaarawan ng Kapanganakan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kaarawan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 9/1 p. 30-31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Ang mga Saksi ba ni Jehova ay umiiwas sa pagdiriwang ng kapanganakan sapagkat ang gayon ay may relihiyosong kahulugan noong sinaunang panahon?

Ang pagdiriwang ng kapanganakan ay nanggaling sa pamahiin at huwad na relihiyon, ngunit hindi iyan ang tangi o pangunahing dahilan kung bakit iniiwasan ng mga Saksi ni Jehova ang gayong kaugalian.

Sa maraming lugar ay may mga kaugalian na dating panrelihiyon na ngayon ay hindi na gayon. Halimbawa, ang singsing na pangkasal ay dating may relihiyosong kahulugan, subalit sa karamihan ng lugar ngayon, hindi na gayon. Dahil dito, maraming tunay na Kristiyano ang sumasang-ayon sa lokal na kaugaliang pagsusuot ng isang singsing na pangkasal upang magsilbing patotoo na ang isang tao ay may asawa. Sa ganiyang mga bagay, ang karaniwan nang impluwensiya ay kung ang isang kaugalian ay may kaugnayan ngayon sa huwad na relihiyon.​—Tingnan ang “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa Ang Bantayan ng Hulyo 15, 1972, at Oktubre 15, 1991.

Gayunman, hindi maikakaila na ipinakikita ng maraming reperensiya ang mga pamahiin at relihiyosong kasaysayan na kaugnay ng pagdiriwang ng kapanganakan. Ang The Encyclopedia Americana (edisyon ng 1991) ay nagsasabi: “Ang sinaunang daigdig ng Ehipto, Gresya, Roma, at Persia ay nagdiwang ng kapanganakan ng mga diyos, hari, at mga maharlika.” Sinasabi nito na ang mga Romano ay nagdiwang ng kapanganakan ni Artemis at ng araw ni Apollo. Kabaligtaran nito, “bagaman ang sinaunang mga Israeli ay may mga rekord ng edad ng kanilang mga mamamayang lalaki, walang patotoo na sila’y may mga pagdiriwang sa anibersaryo ng petsa ng kapanganakan.”

Isa pang reperensiya ang nagbibigay ng detalye tungkol sa pinagmulan ng mga pagdiriwang ng kapanganakan: ‘Ang mga paghahanda sa kapanganakan ay nagsimula mga taon na ngayon ang lumipas sa Europa. Ang mga tao ay naniniwala sa mabubuti at masasamang espiritu, kung minsan tinatawag na mabubuti at masasamang engkantada. Lahat ay natatakot sa mga espiritung ito, na sila’y makagagawa ng pinsala sa nagdiriwang ng kapanganakan, kaya siya’y napalilibutan ng mga kaibigan at mga kamag-anak na ang mga pagbati, at ang mismong pagkanaroroon, ay magsasanggalang sa kaniya laban sa nakakubling mga panganib na dala ng kapanganakan. Ang pagreregalo ay nagdudulot ng lalong malaking proteksiyon. Ang pagsasalu-salo ay isa pa ring pananggalang at may nagagawa upang magdulot ng mga pagpapala ng mabubuting espiritu. Samakatuwid ang pagdiriwang ng kapanganakan ay nilayon noong una na iligtas ang isang tao sa masama at tiyakin na magiging mabuti ang hinaharap na taon.’​—Birthday Parties Around the World, 1967.

Ipinaliliwanag din ng aklat ang pinagmumulan ng maraming kaugalian sa kapanganakan. Halimbawa: “Ang dahilan [sa paggamit ng mga kandila] ay nagsimula sa sinaunang mga Griego at Romano na naniniwalang ang mga kandila ay may mga katangian ng madyik. Sila’y nananalangin at gumagawa ng mga kahilingan na ipinahahatid sa mga diyos sa pamamagitan ng liyab ng mga kandila. Kung magkagayon ay nagpapadala naman ang mga diyos ng kanilang pagpapala at marahil sinasagot ang mga panalangin.” Ang iba pang gayong makasaysayang impormasyon ay tinipon sa mga pahina 81 at 82 ng Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

Gayunman, gaya ng binanggit na ay higit pa ang kasangkot sa tanong na ito kaysa kung ang pagdiriwang ng kapanganakan ay may kaugnayan sa relihiyon noon o hanggang ngayon. Binabanggit ng Bibliya ang tungkol sa mga kapanganakan, at ang maygulang na mga Kristiyano ay may talino upang maging palaisip sa anumang mga pahiwatig tungkol dito.

Ang mga lingkod ng Diyos noong una ay nagtatala ng petsa ng kapanganakan ng mga tao, upang matantiya nila ang mga edad. Ating mababasa: “Si Noe ay sumapit sa limandaang taóng gulang. Pagkatapos ay naging anak ni Noe si Sem, si Ham at si Japet.” “Noong ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, . . . nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman.”​—Genesis 5:32; 7:11; 11:10-26.

Gaya ng binanggit kahit ni Jesus, sa gitna ng bayan ng Diyos ang pagsisilang ng anak ay isang pinagpala, maligayang pangyayari. (Lucas 1:57, 58; 2:9-14; Juan 16:21) Gayunman, hindi inaalaala ng mga lingkod ni Jehova ang petsa ng kapanganakan; kanilang ginaganap ang ibang mga anibersaryo subalit hindi ang mga kapanganakan. (Juan 10:22, 23) Sinasabi ng Encyclopaedia Judaica: “Ang pagdiriwang ng kapanganakan ay hindi kilala sa tradisyonal na ritwal ng mga Judio.” Ganito ang puna ng Customs and Traditions of Israel: “Ang pagdiriwang ng kapangakan ay hiniram sa mga kaugalian ng ibang bansa, yamang walang binabanggit tungkol sa kaugaliang ito sa gitna ng mga Judio maging sa Bibliya, Talmud, o mga isinulat ng nahuling mga Paham. Ang totoo, ito ay isang sinaunang kaugalian sa Ehipto.”

Ang kaugnayan nito sa Ehipto ay maliwanag buhat sa isang pagdiriwang ng kapanganakan na iniulat sa Bibliya, na hindi ginagawa ng mga tunay na mananamba. Iyon ay ang kapistahan ng kapanganakan ng Faraon na namahala samantalang si Jose ay nasa isang piitang Ehipsiyo. Ang ilan sa mga paganong iyon ay maaaring nasayahan sa kapistahan, bagaman ang kapanganakan ay kaugnay ng pagpugot sa ulo ng punò ng mga magtitinapay ni Faraon.​—Genesis 40:1-22.

Isang nahahawig na di-kaaya-ayang liwanag ang tumanglaw sa isa pang pagdiriwang ng kapanganakan na inilarawan sa Kasulatan​—yaong kay Herodes Antipas, anak ni Herodes na Dakila. Ang pagdiriwang na ito ng kapanganakan ay tunay na hindi inihaharap ng Bibliya bilang isa lamang inosenteng kapistahan. Bagkus, itinaon doon ang pagpugot sa ulo ni Juan Bautista. Pagkatapos, “dumating ang kaniyang mga alagad at inalis ang bangkay at inilibing iyon at naparoon at nag-ulat kay Jesus,” na ‘lumisan doon upang magtungo sa isang ilang na lugar para makapag-isa.’ (Mateo 14:6-13) Maguguniguni mo ba na ang mga alagad na iyon o si Jesus ay naakit sa kaugalian na pagdiriwang ng kapanganakan?

Sa liwanag ng kilalang pinagmulan ng pagdiriwang ng kapanganakan, at lalong mahalaga, ng di-kaaya-ayang tanawin na inihaharap ng Bibliya tungkol dito, ang mga Saksi ni Jehova ay may sapat na dahilan na umiwas sa kaugalian. Hindi na kailangang sundin nila ang makasanlibutang kaugaliang ito, sapagkat sila ay maaaring maligayang magsalu-salo anumang panahon sa isang taon at ginagawa naman nila ito. Ang kanilang pagreregalo ay hindi naman sapilitan o ginigipit sila na maghanda; iyon ay kusang pagbibigay ng mga regalo anumang panahon ng dahil sa pagkabukas-palad at sa tunay na pagmamahal.​—Kawikaan 17:8; Eclesiastes 2:24; Lucas 6:38; Gawa 9:36, 39; 1 Corinto 16:2, 3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share