Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 2/1 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa Mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa Mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Paskuwa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • ‘Ito ay Magiging Pinakaalaala sa Inyo’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 2/1 p. 31

Mga Tanong Mula sa Mga Mambabasa

Kung ang isang Kristiyano ay maysakit o naglalakbay at sa gayo’y hindi makadalo sa pagdiriwang ng Memoryal, dapat ba niyang ipagdiwang ito makalipas ang isang buwan?

Sa sinaunang Israel ang Paskuwa ay ginaganap taun-taon sa ika-14 na araw ng unang buwan, tinatawag na Nisan (o, Abib). Subalit makikita natin ang isang natatanging paglalaan sa Bilang 9:10, 11: “Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, ‘Kung ang sinumang tao sa inyo o sa inyong sali’t saling lahi ay maging marumi dahil sa isang kaluluwa o masumpungan sa isang malayong paglalakbay, siya rin ay kailangang maghanda ng hain ng Paskuwa kay Jehova. Sa ikalawang buwan [na pinanganlang Iyyar, o Ziv], sa ikalabing-apat na araw sa pagitan ng paglubog ng araw, kanilang ihahanda iyon. Kasama ang tinapay na walang lebadura at mapapait na gulay ay kakanin nila iyon.’ ”

Pansinin na ito’y hindi nagtatag ng dalawang mapagpipiliang petsa para sa Paskuwa (Nisan 14 o Ziv 14), na bawat Israelita o sambahayan ay malaya na pumili, depende sa ikagiginhawa. Ang paglalaan ng isang pagkain ng Paskuwa sa ikalawang buwan ay limitado. Para lamang ito sa isang Israelita na marumi sa seremonyal na paraan sa Nisan 14 o napakalayo sa lugar na pinagdausan ng regular na pagdiriwang.

Ang tanging iniulat na halimbawa nito na laganap na ginamit ay noong panahon na muling buhayin ni Haring Ezekias ang pagdiriwang ng Kapistahan ng mga Tinapay na Walang-Lebadura. Yamang walang panahon na maghanda sa unang buwan (yamang ang mga saserdote ay hindi handa ni nagtipon man ang bayan), kaya iyon ay ginanap noong ika-14 na araw ng ikalawang buwan.​—2 Cronica 29:17; 30:1-5.

Sa halip na ganapin ang gayong natatanging mga pagdiriwang, ang mga Judio ay sumunod sa petsa ng Paskuwa na iniutos ng Diyos. (Exodo 12:17-20, 41, 42; Levitico 23:5) Ang selebrasyon na ginawa ni Jesus at ng kaniyang mga alagad ay ayon sa kahilingan ng Kautusan, hindi kung anong petsa gustong ipagdiwang. Si Lucas ay nag-uulat: “Dumating ang araw ng mga tinapay na walang lebadura, na noon ay kailangang ihain ang ukol sa Paskuwa; at sinugo [ni Jesus] sina Pedro at Juan, na sinasabi: ‘Magsihayo kayo at ihanda ang pagkain sa Paskuwa upang makain natin.’ ”​—Lucas 22:7, 8.

Nang pagkakataong iyon ay itinatag ni Jesus ang taunang selebrasyon na kilala ng mga Kristiyano bilang ang Hapunan ng Panginoon. Ang kahalagahan ng pagdalo ng mga Kristiyano ay hindi isang kalabisan na banggitin. Ito ang pinakamahalagang pangyayari sa santaon para sa mga Saksi ni Jehova. Ipinakikita ng mga salita ni Jesus kung bakit; sinabi niya: “Patuloy na gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” (Lucas 22:19) Samakatuwid, bawat Saksi ni Jehova ay dapat itong isaplano nang mga ilang buwan pa upang huwag magkaroon ng anumang suliranin sa pagdalo sa naturang petsa. Ang Hapunan ng Panginoon ay ipagdiriwang sa Martes, Abril 6, 1993, pagkalubog ng araw sa inyong lugar.

Sa pambihirang mga kaso may di-inaasahang mga pangyayari, tulad halimbawa ng sakit o mga suliranin sa paglalakbay, na maaaring makahadlang sa isang Kristiyano sa pagdalo ayon sa kaniyang isinaplano. Ano ang dapat gawin sa gayong situwasyon?

Sa oras ng selebrasyon ipinapasa ang tinapay na walang lebadura at ang pulang alak, at yaong mga pinahiran ng banal na espirtu ng Diyos at pinili para sa buhay sa langit ay nakikibahagi. (Mateo 26:26-29; Lucas 22:28-30) Kung ang isa na nakikibahagi taun-taon ay nakaratay sa taóng ito sa banig ng karamdaman sa bahay o sa isang ospital, magsasaayos ang matatanda sa lokal na kongregasyon upang isa sa kanila ang magdala ng kaunting tinapay at alak sa taong maysakit, talakayin ang angkop na mga teksto sa Bibliya tungkol sa paksa, at ipasa ang mga emblema. Kung ang isang pinahirang Kristiyano ay malayo sa kaniyang sariling kongregasyon, kaniyang isasaayos na pumunta sa isang kongregasyon na kung saan naroroon siya sa petsang iyan.

Sa dahilang ito, kung mayroon lamang lubhang natatanging mga kalagayan kakailanganin na ang isang pinahirang Kristiyano ay magdiwang ng Hapunan ng Panginoon 30 araw makalipas (isang buwang lunar), kasuwato ng utos sa Bilang 9:10, 11 at ng halimbawa na nasa 2 Cronica 30:1-3, 15.

Yaong mga kabilang sa uring “ibang tupa” ni Jesus, na may pag-asang buhay na walang-hanggan sa isang lupang paraiso, ay wala sa ilalim ng pag-uutos na makibahagi sa tinapay at sa alak. (Juan 10:16) Mahalaga na daluhan ang taunang selebrasyon, subalit sila’y hindi nakikibahagi sa mga emblema. Kaya kung isa sa kanila ay maysakit o naglalakbay at sa gayo’y wala sa anumang kongregasyon sa gabing iyon, dapat na kaniyang sarilinang basahin ang angkop na mga talata (kasali ang ulat ng pagtatatag ni Jesus ng selebrasyon) at manalangin kay Jehova na pagpalain ang pambuong daigdig na okasyon. Subalit sa kasong ito ay hindi na kailangan ang anumang karagdagang kaayusan para sa isang pagpupulong o isang pantanging pagtalakay sa Bibliya makalipas ang isang buwan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share