Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 3/1 p. 24-25
  • Magalak! Ang mga Sisidlan ay Inaapawan ng Langis

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magalak! Ang mga Sisidlan ay Inaapawan ng Langis
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Gintong Likido ng Mediteraneo
    Gumising!—2008
  • Maraming-Gamit na Langis ng Olibo
    Gumising!—1992
  • Langis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Isang Mayabong na Punong Olibo sa Bahay ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 3/1 p. 24-25

Mga Tanawin Buhat sa Lupang Pangako

Magalak! Ang mga Sisidlan ay Inaapawan ng Langis

ANG propetang si Joel ay nagpayo sa ‘mga anak ng Sion na mangatuwa at mangagalak kay Jehova.’ Kaniyang ginamit ang langis ng olibo sa paglalarawan sa kanilang kagalakan at kasaganaan: “Ang giikan ay punô ng giniik na trigo, at ang mga kamalig ay umaapaw sa bagong alak at langis.”​—Joel 2:23, 24.

Kung ikaw ay nakatira sa Israel noong panahon ng Bibliya, matutuwa ka kung may tumutubo malapit sa inyong bahay, o sa inyong mga bukid, na isang punong olibo na tulad ng makikita sa itaas.a Iyon ay lalong nagpapaginhawa sa iyong buhay, magiging lalong kalugud-lugod. Bakit ba magiging ganiyang kahalaga ang isang punong olibo?​—Ihambing ang Mga Hukom 9:8, 9.

Una, malasing mabuti ang inyong punungkahoy. Ang mga punong olibo ay maaaring mabuhay ng daan-daang taon, ang ilan ay mahigit na isang libong taon, kaya kung susuriin ay malamang na makakita ka ng isang punò na maraming bukó, kulay-abo. Ang inyong punò ay maaaring umabot sa taas na hanggang 6 na metro, hindi naman tataas pa sa isang punong cedro o magiging sinlambot ng isang punò ng palma. Ang luntiang mga dahon nito, na may kislap na parang pilak, ay nagbibigay ng lilim sa buong santaon. Gayunman, ang inyong punungkahoy ay hindi magiging mahalaga sa iyo ng dahil lamang sa kagandahan o lilim nito. Tunay na hindi.

Ang bunga ang mahalaga, ang libu-libong luntian o maitim na olibong iyon! Iyan ang dahilan kung bakit ang punong olibo ay mahalaga sa araw-araw na pamumuhay ng tao at sa mga gawain sa Israel. Ang punò ay nababalot ng mapuputlang kulay ng bulaklak kung Mayo, sa paghahanda para sa pamumunga ng olibo. (Job 15:33) Habang ang mga bungang ito ay gumugulang, sila’y maaaring magbago buhat sa naninilaw na berde tungo sa magulang na kayumanggi o itim.

Ang pag-aani sa mga olibo sa Oktubre/Nobyembre ay nangangailangan ng puspusang pagtatrabaho. Ang punò ay hahampasin mo ng kahoy upang malaglag ang hinog na bunga sa nakalatag na tela sa ibaba. (Deuteronomio 24:20) Ang olibo ay hinuhugasan muna bago pasimulan ang paghahanda nito, gaya ng pagbababad sa tubig-alat upang maalis ang karaniwang mapait na lasa. Ano ang susunod?

Depende iyan sa kung ano ang ibig mong tamasahin o mapakinabang sa iyong masaganang ani. Puwedeng kanin mo ang mga hilaw na olibo, o gawin mong atsara upang sa loob ng maraming buwan ang iyong pamilya ay may makain na masarap na pagkaing ito. Ang olibo ay maaaring maging isang pangunahing bahagi ng pagkain, na kaypala binubuo ng masarap na olibo na kabagay ng bibingkang sebada.

Marahil, iyong pararaanin ang karamihan ng olibo sa mga paraan na kinakailangan upang makuha ang lubhang maraming gamit at mahalagang kalakal na iyan​—ang langis ng olibo. Puwede kang makakuha ng sari-saring kalidad ng langis, ginagamit ang mga ito sa maraming paraan. Una, marahang pukpukin mo o pisain ang mga hinog na olibo sa isang bayuhan o puwede ring tapakan mo sa ilalim ng paa. (Mikas 6:15) Iyan ay nagbibigay ng pinakamataas na uring langis, tinatawag ngayon na extra virgin, na angkop naman sa mga lampara na nagsisilbing ilaw sa tabernakulo. (Exodo 25:37; 27:20, 21) Gunigunihin kung papaano mo pakamamahalin kung mayroon ka ng pambihirang langis na ito na ginagamit sa pagluluto kung pantanging mga okasyon!

Ang mga olibo, kahit na yaong hindi gaanong mahusay na klase, ay maaaring ilagay sa isang pisaan upang makapiga ng higit pang langis sa ubod, bagaman ang makukuha roon ay langis na mas mababang uri. Ang ubod ay mga 50 porsiyentong langis. Iba’t ibang istilong pampiga ang magagamit, subalit isa ang nakalarawan dito. Ang napiga o di-gaanong napiga na mga olibo ay inilalagay sa isang pabilog na sisidlan. Isang gilingan, na pinaiikot ng isang asno o isang tao, ang pumipisa ng mga ito, puwersahang pinalalabas ang mga langis, na lumalabas at tinitipon sa mga tapayan.​—Mateo 18:6.

Ang langis olibo ay maihahalintulad sa likidong ginto​—iyon ay itinuturing na napakahalaga at maraming pinaggagamitan. Ang isang punò ay nagbibigay ng isang taóng gamit para sa isang pamilyang may lima o anim na miyembro. Iyon ay magiging pangunahing bahagi ng kanilang pagkain, madaling tunawin at nagbibigay ng lakas. (Ihambing ang Jeremias 41:8; Ezekiel 16:13.) Magagamit mo ito na pabango ng ilang langis at gamitin iyon bilang isang kosmetiko o ibuhos ang kaunti sa ulo ng isang panauhin bilang pagpapakita ng pagkamapagpatuloy. (2 Samuel 12:20; Awit 45:7; Lucas 7:46) Maaaring gamitin iyon na isang pampaginhawang gamot sa mga sugat.​—Isaias 1:6; Marcos 6:13; Lucas 10:34.

Hindi lamang ito ang tanging mapaggagamitan ng isang masaganang suplay ng langis olibo. Magagamit mo rin ito na tanglaw sa iyong tahanan, bahagi ng isang handog sa Diyos, o isang kalakal na kapaki-pakinabang ipagbili. Oo, noong mga panahon ng Bibliya ang punong olibo ay isang napakahalagang punungkahoy, kaya naman si Joel ay hindi nag-atubili na gumamit nito upang kumatawan sa kasaganaan at kagalakan.​—Deuteronomio 6:11; Awit 52:8; Jeremias 11:16; Mateo 25:3-8.

[Talababa]

a Para sa isang lalong malawak na vista ng tanawing ito, tingnan ang 1993 Calendar of Jehovah’s Witnesses.

[Picture Credit Line sa pahina 24]

Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share