Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 5/15 p. 3-4
  • Naghahanap ng Mapaniniwalaang mga Hula

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naghahanap ng Mapaniniwalaang mga Hula
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Gaano Katotoo ang mga Hula ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Isang Aklat ng Hula
    Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao
  • Bakit Napakaraming Maling Alarma?
    Gumising!—1993
  • Ang Iyong Kinabukasan—Isang Lalong Mainam na Paraan Upang Maalaman Ito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 5/15 p. 3-4

Naghahanap ng Mapaniniwalaang mga Hula

“SIYANG makahuhula ng mga pangyayari tatlong araw patiuna ay magiging mayaman nang libu-libong taon.” Ganiyan ang isang kawikaan ng mga Intsik.

Ibig malaman ng mga tao kung ano ang mangyayari bukas, at marami ang payag na magbayad ng malaki para sa gayong uri ng mapanghahawakang impormasyon. Sila’y naghahanap ng mapaniniwalaang mga hula. Gaya ng makikita sa napakaraming pahiwatig tungkol sa lagay ng panahon at sa ekonomiya, interesado tayo sa mga pangyayari sa malapit na hinaharap. At, ang mapaniniwalaang hula ay tutulong sa atin upang isaplano at isaayos ang ating mga buhay.

Ang pagnanasang malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap ay nagtutulak sa marami na sumangguni sa mga manghuhula ng kapalaran, guru, astrologo, at mga manggagamot sa kulam. Sa mga tindahan ng aklat at magasin ay napakaraming sinauna at makabagong mga lathalain ng mga nag-aangking nakahuhula sa kinabukasan. Subalit hindi kapani-paniwala ang ganitong mga uri ng panghuhula. Ang estadistang Romano na si Cato ay iniulat na nagsabi: ‘Ako’y nagtataka na ang isang manghuhula ay hindi nagtatawa pagka kaniyang nakikita ang isa pang manghuhula.’

Mangyari pa, maraming uri ng panghuhula. Noong 1972 isang internasyonal na grupo ng mga may pinag-aralan at mga negosyante na kilalá bilang ang Klub ng Roma ay naglathala ng isang hula na nagsasabing ang sanlibutan ay malapit nang maubusan ng likas na mga produkto. Ito’y mauubusan ng ginto pagsapit ng 1981, ng asoge sa 1985, ng zinc sa 1990, ng petrolyo sa 1992, at iba pa. Ngayon ay nakikita natin na ang mga hulang ito ay hindi nagkatotoo.

Maraming hula ang nakasalalay sa mga kuru-kuro ng mga relihiyoso. Bilang halimbawa: ang obispong Saxon na si Wulfstan ay may paniwala na ang paglusob sa Inglatera ng mga Danes noong may pasimula ng ika-11 siglo ay tanda na malapit na ang wakas ng sanlibutan. Noong 1525, si Thomas Münzer ay nanguna sa isang himagsikan ng mga magbubukid na Aleman sapagkat sa isang pangitain ay nakita niya na ang mga anghel ay naghahasa ng kanilang mga karit para sa kaniyang inaakala na isang malawak na pag-aani. Maliwanag, ang mga hulang ito ay hindi totoo.

Gaya ng marahil ay alam mo, ang Bibliya ay may maraming hula. Isa pa, ang mga sumulat ng Bibliya ay nag-aangkin na kinasihan sila ng Diyos. Ang Kristiyanong apostol na si Pedro ay nagsabi: “Walang hula ng Kasulatan na buhat sa sariling pagpapakahulugan. Sapagkat ang hula ay hindi dumating kailanman dahil sa kalooban ng tao, kundi ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos habang sila’y inaakay ng banal na espiritu.”​—2 Pedro 1:20, 21.

Bukod sa iba pang mga bagay, inihula ng Bibliya ang iba’t ibang mga pangyayari na nagpapakilala sa salinlahi na makararanas ng pagkanaririto ni Jesu-Kristo sa makalangit na kapangyarihan sa Kaharian. Wala pang nakakatulad na digmaan, taggutom, mga lindol, at pagguho ng moralidad ng tao ang palatandaan ng tinutukoy ng Bibliya na “ang mga huling araw.” (2 Timoteo 3:1-5; Mateo 24:3-14, 34) Sang-ayon sa Bibliya, ang pagkaalis ng kasalukuyang sistema ng mga bagay ay magbibigay-daan sa kaligayahan ng sangkatauhan sa isang bagong sanlibutan ng walang-hanggang mga pagpapala.​—2 Pedro 3:13; Apocalipsis 21:1-4.

Papaano mo minamalas ang ganiyang mga hula ng Bibliya? Tulad ng maraming iba pang mga hula, ang mga ito ba ay mga haka-haka lamang? Masusubok natin ang pagkamapaniniwalaan ng mga hula sa Bibliya na hindi pa natutupad sa pamamagitan ng pagtiyak kung ang mga hula ng Bibliya tungkol sa nakalipas na mga pangyayari ay kapani-paniwala. Sa susunod na artikulo ay ating isasaalang-alang ang ilan sa mga ito.

[Picture Credit Line sa pahina 3]

Sa Kagandahang-loob ng National Weather Service

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share