Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 11/1 p. 24-25
  • Halina Kayo at Maglakbay sa Dagat ng Galilea!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Halina Kayo at Maglakbay sa Dagat ng Galilea!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaparehong Materyal
  • A7-D Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Jesus sa Lupa—Malawakang Ministeryo ni Jesus sa Galilea (Bahagi 2)
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Sa Palibot ng Dagat ng Galilea
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • A7-D Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Jesus sa Lupa—Malawakang Ministeryo ni Jesus sa Galilea (Bahagi 2)
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • Galilea, Dagat ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 11/1 p. 24-25

Mga Tanawin Buhat sa Lupang Pangako

Halina Kayo at Maglakbay sa Dagat ng Galilea!

KAKAUNTING lugar ang agad sasaisip ng mga mambabasa ng Bibliya kaysa Dagat ng Galilea. Subalit maaari bang pumikit ka at gunigunihin ang dagat-tabang na ito, hanapin ang mga pangunahing lugar, tulad halimbawa kung saan pumapasok at lumalabas ang Ilog Jordan o ang kinaroroonan ng Capernaum at Tiberias?

Mag-ukol ka ng panahon upang pag-aralan ang bista mula sa itaas ng tanawin sa ibaba, na inihahambing ang pinakasusing kaugnay. Ilan sa de numerong mga lugar ang nakikilala mo? Habang marami kang alam dito, lalong magiging kawili-wiling basahin ang iyong Bibliya at magiging tunay at makabuluhan sa iyo. Sa layuning iyan, halina kayo para maglakbay sandali, upang matuto.

Ang bistang ito mula sa itaas ay sa direksiyon ng hilagang silangan. Simulan natin sa #1. Ano bang parte iyan ng dagat? Oo, ang dulo sa bandang timog, na kung saan ang hangganan ng Jordan, umaagos pababa sa pagitan ng Samaria at Gilead upang humuho sa Dagat na Patay. Sa gawing kaliwa ay mayroon kang mas malapit na tanawin ng dulong ito ng dagat, na makikita rin sa 1993 Calendar of Jehovah’s Witnesses.

Ang Dagat ng Galilea ay nasa kalaliman ng Rift Valley, mga 200 metro ang baba sa Dagat Mediteraneo. Samantalang sinusuri mo ang bista sa itaas, pansinin ang mga bundok na nagmumula sa dalampasigan nito sa gawing silangan (sa palibot ng #7). Ang mga burol at mga bundok ay matatanaw rin sa mas malapit, o kanluran, na dalampasigan, pinatitingkad lamang na ang dagat na ito ay nasa isang lunas, na ang dagat ay mga 21 kilometro ang haba at ang sukdulang luwang ay 12 kilometro. May lugar sa mga dalampasigan para sa mga bayan-bayan at kahit na mga siyudad, tulad halimbawa ng Tiberias (#2). Tandaan na isang karamihang nakasakay sa mga bangka galing sa Tiberias ang tumawid sa dagat na kung saan makahimalang pinakain ni Jesus ang 5,000.​—Juan 6:1, 10, 17, 23.

Habang ikaw ay namamaybay sa dalampasigan sa gawing hilaga buhat sa Tiberias, daraanan mo ang matabang rehiyon ng Gennesaret (#3).a Sa lugar na ito ipinahayag ni Jesus ang Sermon sa Bundok, at posible na sa karatig na dalampasigan, tinawag niya si Pedro at tatlo pang iba upang maging “mga mamamalakaya ng tao,” gaya ng nakalarawan dito. (Mateo 4:18-22) Sa pagpapatuloy ng paglalakbay, ikaw ay dumarating sa Capernaum (#4), na naging sentro ng mga gawain para kay Jesus, tinukoy pa man din na “kaniyang sariling lunsod.” (Mateo 4:13-17; 9:1, 9-11; Lucas 4:16, 23, 31, 38-41) Sa pagpapatuloy na pasilangan sa palibot ng dagat, tumatawid ka (#5) sa kung saan ang Jordan sa gawing itaas ay umaagos sa dagat (sa ibaba). Pagkatapos ay darating ka sa lugar ng Betsaida (#6).

Magagamit natin kahit ang ilang lugar na ito upang ilarawan kung papaanong ang kaalaman mo sa Dagat ng Galilea ay makatutulong sa iyo na sumubaybay, at gunigunihin, ang mga paglalahad ng Bibliya. Pagkatapos pakanin ni Jesus ang 5,000 sa lugar ng Betsaida at isang karamihan ang nagtangkang gawin siyang hari, sinugo niya ang mga apostol sakay ng bangka patungo sa direksiyon ng Capernaum. Sa panahon ng kanilang paglalakbay, biglang-biglang dumating ang malakas na hangin buhat sa kabundukan na may kasabay na mga alon, anupat nahintakutan ang mga apostol. Subalit naparoon sa kanila si Jesus na lumalakad sa dagat, pinayapa ang bagyo, at pinapangyaring sila’y makasadsad nang ligtas malapit sa Gennesaret. (Mateo 14:13-34) Yaong mga nanggaling sa Tiberias ay muli na namang tumawid patungo sa Capernaum.​—Juan 6:15, 23, 24.

Sa pagpapatuloy sa silangang panig ng dagat, dumaraan ka sa malamang na tinutukoy na “ang lupain ng mga Gadareno [o, mga Geraseno].” Alalahanin na dito nagpalabas si Jesus ng mga demonyo buhat sa dalawang lalaki. Ang mga espiritung iyon ay may kalupitang pumasok sa isang malaking kawan ng mga baboy, na umakyat sa isang talibis at tumalon sa dagat. Isa sa mga lalaki ang pagkatapos ay nagpatotoo sa kalapit na Griego-ang-wikang mga lunsod ng Decapolis. Si Jesus ay dumating at lumisan sa lugar na ito sakay ng bangka sa pagtawid sa Dagat ng Galilea.​—Mateo 8:28–​9:1; Marcos 5:1-21.

Samantalang tinatapos mo ang iyong paglalakbay patungo sa mababang dulo ng dagat, magdaraan ka sa malapit sa kung saan isang malaking ilog (tinatawag na Yarmuk) ang nagdadala ng napakaraming tubig sa mas mababang Ilog Jordan.

Hindi nagbibigay ang Bibliya ng isang tiyak na lugar para sa ilang pangyayari na naganap sa palibot ng Dagat ng Galilea, gaya halimbawa nang matapos buhaying muli, si Jesus ay nagpakita kay Pedro at sa iba pang mga apostol na namamalakaya (sa ibaba). Sa palagay mo kaya ay malapit ito sa Capernaum? Anuman ang sagot, ang iyong kaalaman sa mahalagang dagat na ito ay tutulong sa iyo na gunigunihin ang posibilidad na iyan.

[Talababa]

a Tingnan ang artikulong “Gennesaret​—‘Kahanga-hanga at Maganda’ ” sa Ang Bantayan ng Enero 1, 1992.

[Mga larawan sa pahina 24]

1

2

3

4

5

6

7

N

S

E

W

[Picture Credit Line sa pahina 24]

Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.

[Picture Credit Line sa pahina 24]

Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.

[Picture Credit Line sa pahina 24, 25]

Garo Nalbandian

[Picture Credit Line sa pahina 25]

Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share