Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 6/1 p. 24
  • Ang Diyos ay Hindi Nagtatangi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Diyos ay Hindi Nagtatangi
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Naghihintay sa Isang Kaharian na “Hindi Bahagi ng Sanlibutang Ito”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Kawal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pinagpapala ni Jehova ang Pagkamapilit
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Nagpapasalamat na Makapaglingkod kay Jehova sa Kabila ng mga Pagsubok
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 6/1 p. 24

Report ng mga Tagapaghayag ng Kaharian

Ang Diyos ay Hindi Nagtatangi

MAHIGIT na 1,900 taon na ang lumipas, ang apostol na si Pedro ay nagpatotoo sa opisyal ng hukbo na si Cornelio, sa pagsasabi: “May katiyakang napag-uunawa ko na ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya.” (Gawa 10:34, 35) Si Cornelio ay nagpamalas ng takot sa Diyos at pag-ibig sa katuwiran. Tinanggap niya ang patotoo ni Pedro at siya’y naging isang Kristiyano.

Ang gayunding simulain ay totoo rin sa ngayon​—ang Diyos ay hindi nagtatangi. Ito’y makikita natin sa isang karanasan buhat sa Alemanya. Ganito ang sabi ng report:

“Sa teritoryo ng aming kongregasyon, may isang malaking kuwartel ng mga Ruso. Noong 1989, di pa natatagalan matapos gumuho ang Pader ng Berlin, nagtanong ang matatanda kung may sinuman sa mga mamamahayag ang nakaáalam ng wikang Ruso. Alam iyon ng ilan sa amin, at kami’y naparoon upang gumawa sa teritoryong ito, na napatunayang isang tunay na kagalakan. Ang sumusunod ay isa sa maraming karanasan.

“Kasama ko ang isang di-bautisadong mamamahayag (na nabautismuhan na magmula noon) nang makausap namin ang isang komander. Kami’y pinakinggan ng komander at saka inanyayahan kami upang magsalita sa kaniyang mga kawal. Sinabi niya na kailangan nilang marinig ang tungkol sa Diyos at gayundin ang tungkol sa Bibliya, kaya gumawa kami ng kaayusan upang bumalik.

“Hiniling namin sa isang sister na mahusay magsalita ng wikang Ruso na samahan kami bilang isang tagapagsalin. Sa clubroom ng kuwartel, naglagay kami ng isang mesa para sa literatura at nakausap namin ang 68 kawal at sinagot namin ang kanilang mga katanungan. Pagkatapos ay malugod silang tumanggap ng 35 aklat at halos 100 magasin. Habang papaalis na kami sa clubroom, nakita namin ang maliliit na grupo na nag-uusap tungkol sa mga literatura.

“Gumawa kami ng kaayusan na makabalik noong Hulyo 4, 1992. Pagdating namin nang 10:50 n.u., sinabi sa amin ng guwardiya sa tarangkahan ng kuwartel na kami ay inaasahan ng mga kawal. Isang medyor ang nagdala sa amin sa clubroom, at natuklasan namin na ang babae, na kumuha sa amin ng mga literatura para sa aklatan, ay nagpatalastas ng aming pagdating sa pamamagitan ng paglalagay ng mga plakard sa kuwartel. Tatlong kapatid na lalaki ang nagbigay ng maiikling pahayag tungkol sa ating pandaigdig na gawain at ipinakita kung bakit tayo makapagtitiwala sa Bibliya. Pagkatapos ay isinaalang-alang namin ang mga tanong buhat sa mga tagapakinig, na sinasagot mula sa Bibliya. Kabilang sa mga tanong ay, Ano ang paninindigan ng mga Saksi ni Jehova tungkol sa serbisyo sa hukbo, at mayroon bang mga kawal sa kanila? Ito’y nagbigay ng pagkakataon para sa di-bautisadong mamamahayag na nakasama ko upang ilarawan ang kaniyang 25-taóng karera sa hukbo sa Silangang Alemanya, ang mga huling taon bilang isang kapitan sa hukbong panghimpapawid. Inilahad niya kung papaano siya natuto tungkol sa Diyos at sa Bibliya at ngayon ay ibig na maging isa sa mga Saksi ni Jehova. Humanga ang mga kawal sa kanilang narinig. Sa loob lamang ng pitong minuto ay naipasakamay namin sa mga sundalo ang lahat ng dala naming literatura, at marami ang nagnanais magkaroon ng Bibliya. Buhat sa isang tindahan ng mga aklat ay nakakuha kami ng pitong Bibliya sa wikang Ruso, na kanila namang tinanggap nang may pagpapahalaga. Isang tunay na kagalakan na dalhan ng impormasyon sa Bibliya ang mga ito na nagugutom sa espirituwal, at kami’y umaasa na sila’y kikilos nang naaayon doon.”

Tunay, ang Diyos ay hindi nagtatangi. Sa pamamagitan ng kaniyang Salita siya ay namamanhik sa tapat-pusong mga tao sinuman sila o saanman sila naroroon. Siya’y nag-aanyaya sa kanila na matuto tungkol sa kaniya at sa kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, at marami buhat sa lahat ng uri ng mga tao ang gumagawa niyan.​—Juan 17:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share