Kung Papaano Nag-aabuloy ang Ilan sa Gawaing Pangangaral ng Kaharian
◻ MGA ABULOY PARA SA PAMBUONG-DAIGDIG NA GAWAIN: Marami ang nagtatabi o naglalaan ng isang halaga na inilalagay nila sa mga kahong abuluyan na may markang: “Contributions for the Society’s Worldwide Work—Matthew 24:14.” Bawat buwan ay ipinadadala ng kongregasyon ang mga halagang ito alinman sa punung-tanggapan sa Brooklyn, New York, o sa pinakamalapit na tanggapang pansangay.
◻ MGA KALOOB: Ang kusang-loob na mga donasyong salapi ay maaaring tuwirang ipadala sa Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa tanggapan ng Samahan na naglilingkod sa inyong bansa. Ang mga alahas o iba pang mahahalagang bagay ay maaari ring ibigay bilang donasyon. Isang maikling liham na nagsasabing ang gayon ay isang tuwirang kaloob ang dapat kasama ng mga abuloy na ito.
◻ KAAYUSAN NG KONDISYONAL NA DONASYON: Maaaring magkaloob ng salapi sa Samahang Watch Tower upang ito ang maghawak niyaon hanggang sa kamatayan ng nagkaloob, kasama ang probisyon na kung sakaling magkaroon ng personal na pangangailangan, ito ay ibabalik sa nagkaloob.
◻ SEGURO: Ang Samahang Watch Tower ay maaaring gawing benepisyari ng isang polisa sa seguro-sa-buhay o sa isang plano sa pegreretiro/pensiyon. Dapat ipaalam sa Samahan ang alinman sa gayong mga kaayusan.
◻ DEPOSITO SA BANGKO: Ang mga deposito sa bangko, sertipiko ng deposito, o indibiduwal na deposito sa pagreretiro ay maaaring ipagkatiwala o ibayad sa oras na mamatay sa Samahang Watch Tower, ayon sa mga kahilingan ng bangko sa inyong lugar. Dapat ipaalam sa Samahan ang alinman sa gayong mga kaayusan.
◻ MGA AKSIYÓN AT BONO: Ang mga aksiyón at bono ay maaaring ibigay na donasyon sa Samahang Watch Tower alinman bilang tuwirang kaloob o sa ilalim ng isang kaayusan na sa pamamagitan niyaon ang kita ay patuloy na ibabayad sa nagkaloob ng donasyon.
◻ LUPA’T BAHAY: Ang maipagbibiling lupa’t bahay ay maaaring ibigay na donasyon sa Samahang Watch Tower sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob o ng pagrereserba ng isang bahagi niyaon bilang tirahan ng nagkaloob, na makapagpapatuloy manirahan doon habang-buhay. Dapat munang makipag-alam sa Samahan bago ilipat sa pangalan ng Samahan ang anumang ari-arian.
◻ TESTAMENTO AT IPINAGKATIWALA: Ang mga ari-arian o salapi ay maaaring ipamana sa Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, sa pamamagitan ng isang testamento na isinaayos ayon sa legal na paraan, o ang Samahan ang maaring gawing benepisyari ng isang kasunduan sa ipinagkatiwala. Ang isang ipinagkatiwala na pakikinabangan ng isang organisasyong relihiyoso ay maaaring maglaan ng ilang bentaha sa pagbubuwis. Ang isang kopya ng testamento o kasunduan sa ipinagkatiwala ay dapat ipadala sa Samahan.
◻ ISINAPLANONG PAGBIBIGAY: Ang Samahan ay nagtipon ng impormasyon tungkol sa “Isinaplanong Pagbibigay.” Ang impormasyong ito ay makatutulong sa mga nagbabalak na magbigay ngayon ng pantanging kaloob sa Samahan o mag-iwan ng pamana pagkamatay nila. Iyan ay lalo nang totoo kung ibig nilang maabot ang ilang pampamilyang tunguhin o pagsasaplano ng mga ari-arian samantalang ginagamit ang mga probisyon ukol sa pagbubuwis upang mabawasan ang halaga ng buwis na kailangang bayaran may kinalaman sa kaloob o pamana. Maaaring makakuha ng impormasyong ito sa pamamagitan ng pagsulat sa Samahan sa direksiyon na makikita sa ibaba.
Para sa higit na impormasyon tungkol sa gayong mga bagay, sumulat sa Treasurer’s Office, Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, P.O. Box 2044, 1099 Manila o sa tanggapan ng Samahan na naglilingkod sa inyong bansa.