Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 9/15 p. 7
  • Ang Taong Mainggitin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Taong Mainggitin
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Inggit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Labanan ang Inggit at Itaguyod ang Kapayapaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Inggit—Masamang Ugaling Makalalason sa Ating Isip
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Mapanibughuin, Paninibugho
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 9/15 p. 7

Ang Taong Mainggitin

ANG wikang Hebreo ay mayroon lamang isang salitang-ugat para sa “paninibugho.” Kapag tumutukoy sa makasalanang mga tao, ang Hebreong salita ay maaaring isalin na “inggit” o “pakikipagpaligsahan.” (Genesis 26:14; Eclesiastes 4:4) Subalit ang wikang Griego ay may higit pa sa isang salita para sa “paninibugho.” Ang salitang zeʹlos, gaya ng Hebreong katumbas nito, ay maaaring tumukoy kapuwa sa matuwid at makasalanang paninibugho. Isa pang Griegong salita, ang phthoʹnos, ay may ganap na negatibong diwa. Sa Bagong Sanlibutang Salin, ito ay laging isinasaling “inggit.”

Papaano ginamit sa sinaunang Griego ang salitang phthoʹnos? Ganito ang sabi ng The Anchor Bible Dictionary: “Di-tulad ng taong sakim, ang taong pinahihirapan ng phthonos ay hindi naman talagang nagnanais ng bagay na ikinagagalit niyang taglay ng iba; talaga lamang ayaw niyang magkaroon nito ang iba. Naiiba siya sa isang taong mahilig makipagpaligsahan sa bagay na ang kaniyang pakay, di-tulad ng taong mahilig makipagpaligsahan, ay hindi upang magwagi kundi hadlangan ang iba sa pagwawagi.”

Madalas na hindi namamalayan ng taong mainggitin na ang kaniyang sariling saloobin ang siyang pangunahing sanhi ng kaniyang mga suliranin. “Isa sa mga kakatwang bagay tungkol sa phthonos,” paliwanag ng diksiyunaryo ring iyon, “ay ang kawalang-kabatiran nito sa sarili. Ang taong phthoneros, kung hihilinging bigyang-katuwiran ang kaniyang paggawi, ay palaging magsasabi sa kaniyang sarili at sa iba na yaong kaniyang binabatikos ay karapat-dapat doon at na ang pagiging di-makatuwiran ng situwasyon ang nagpapakilos sa kaniya upang pumuna. Kapag tinanong kung papaano niya nagagawang magsalita nang gayon tungkol sa isang kaibigan, sasabihin niya na ang kaniyang mga puna ay sa ikabubuti ng kaniyang kaibigan.”

Ginamit ng mga manunulat ng Ebanghelyo na sina Mateo at Marcos ang Griegong salitang phthoʹnos upang ilarawan ang motibo niyaong mga may pananagutan sa pagpatay kay Jesus. (Mateo 27:18; Marcos 15:10) Oo, sila’y itinulak ng inggit. Ang gayunding nakapipinsalang emosyon ang nag-udyok sa mga apostata na mapoot nang gayon na lamang sa kanilang dating mga kapatid. (1 Timoteo 6:3-5) Hindi nga nakapagtataka na ang mga taong mainggitin ay di-pinahihintulutang pumasok sa Kaharian ng Diyos! Ipinasiya ng Diyos na Jehova na lahat ng nagpapatuloy na “punô ng inggit” ay “karapat-dapat sa kamatayan.”​—Roma 1:29, 32; Galacia 5:21.

[Mga larawan sa pahina 7]

Huwag hayaang wasakin ng inggit ang inyong buhay

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share