Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 11/15 p. 3-4
  • Ipinangako ang Isang Mas Mabuting Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinangako ang Isang Mas Mabuting Buhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Aling Buhay ang Mas Gugustuhin Mo?
  • Mabubuhay sa Paraiso ang mga Kaibigan ng Diyos
    Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
  • Ang Paraisong Lupa
    Espiritu ng mga Patay—Maaari ba Nila Kayong Tulungan o Pinsalain? Talaga Bang Umiiral Sila?
  • Pagkaraan ng Armahedon, Isang Paraisong Lupa
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Maaari Kang Magkaroon ng Maligayang Kinabukasan!
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 11/15 p. 3-4

Ipinangako ang Isang Mas Mabuting Buhay

NAIS mo bang makalaya sa mga suliraning nagpapahirap sa buhay? Gusto mo bang manirahan sa isang daigdig na ang buhay ay kasiya-siya na gaya ng tanawing inilalarawan sa unahan at likurang pabalat ng magasing ito? Tingnan mong mabuti ang larawang iyan. Maraming makakain ang mga tao. Tunay na sila’y masisiyahan sa masarap na pagkaing iyan. Bawat isa’y maligaya. Ang mga taong may iba’t ibang lahi ay payapa sa isa’t isa. Maging ang mga hayop ay mapayapa! Walang nag-aaway. Walang mahirap. Walang may sakit. Kaakit-akit ang kapaligiran, may magagandang punungkahoy, at may dalisay, malinis na tubig. Tunay na isang kahanga-hangang tanawin!

Magkakaganiyan pa kaya ang lupang ito? Oo, ito’y magiging isang paraiso. (Lucas 23:43) Nilayon ng Diyos, na siyang lumalang ng lupa, na ang mga tao ay magtamasa ng isang mas mabuting buhay sa isang paraisong lupa. At ikaw ay maaaring mapabilang doon!

Aling Buhay ang Mas Gugustuhin Mo?

Papaano mapapaiba ang panghinaharap na makalupang Paraiso sa daigdig na pinaninirahan natin sa ngayon? Sa kasalukuyan, mahigit na isang bilyon katao ang nagugutom araw-araw. Ngunit sa Paraisong nilayon ng Diyos para sa lupa, magkakaroon ng saganang pagkain para sa lahat. Nangangako ang Bibliya: “Si Jehova ng mga hukbo ay tiyak na gagawa para sa lahat ng mga bayan . . . ng bangkete ng nilangisang-mainam na mga putahe, ng bangkete ng mga alak na pinanatili sa mga latak.” (Isaias 25:6) Mawawala ang kakapusan sa pagkain, sapagkat sinasabi ng Bibliya: “Magkakaroon ng saganang butil sa lupa; sa tuktok ng mga bundok magkakaroon ng pag-apaw.”​—Awit 72:16.

Sa ngayon, marami ang nakatira sa dampa at barungbarong, o sila’y nagkukumahog upang makabayad ng upa. Ang iba’y walang tahanan at natutulog sa kalye. Ayon sa World Health Organization, halos 100 milyon ng mga bata sa daigdig ang walang tahanan. Ngunit sa darating na Paraiso, bawat isa’y may tatawaging kaniyang sariling tahanan. Sabi ng Salita ng Diyos: “Sila nga’y magtatayo ng mga bahay at kanilang tatahanan; at sila nga’y mag-uubasan at magsisikain ng mga bunga niyaon.”​—Isaias 65:21.

Marami ang nagtitiis sa mga trabahong hindi nila gusto. Madalas na sila’y nagpapagal sa loob ng mahabang oras ngunit maliit lamang ang kinikita. Mga 1 sa bawat 5 katao sa daigdig ang sumusuweldo nang wala pang $500 bawat taon. Ngunit, sa darating na Paraiso, masisiyahan ang mga tao sa kani-kanilang trabaho at makikita ang mabubuting bunga nito. Nangangako ang Diyos: “Ang aking pinili ay makikinabang na lubusan sa gawa ng kanilang sariling mga kamay. Sila’y hindi gagawa ng walang kabuluhan.”​—Isaias 65:22, 23.

Sa ngayon ay laganap ang sakit at karamdaman. Maraming bulag. Ang ilan ay bingi. Ang iba nama’y hindi makalakad. Ngunit sa Paraiso, ang mga tao’y magiging malaya mula sa sakit at karamdaman. Sabi ni Jehova: “Walang mamamayan ang magsasabi: ‘Ako’y may sakit.’ ” (Isaias 33:24) Para naman sa mga may kapansanan, ang nakapagpapasiglang pangako ay: “Sa panahong iyon ang mga mata ng mga bulag ay madidilat, at ang mismong mga tainga ng mga bingi ay mabubuksan. Sa panahong iyon ang isa na pilay ay aakyat na gaya nga ng isang lalaking usa, at ang dila ng isa na di makapagsalita ay hihiyaw ngang may katuwaan.”​—Isaias 35:5, 6.

Sa kasalukuyan, may pagdurusa at kirot, kalungkutan at kamatayan. Subalit sa Paraiso sa lupa, hindi na iiral ang lahat ng ito. Oo, maging ang kamatayan ay mawawala na! Ang Bibliya’y nagsasabi: “At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”​—Apocalipsis 21:3, 4.

Maliwanag, kung gayon, ang ipinangako ni Jehova na makalupang Paraiso ay mangangahulugan ng mas mabuting buhay para sa sangkatauhan. Ngunit papaano tayo makatitiyak na ito’y darating? Kailan ito darating, at papaano? Ano ang dapat mong gawin upang mapabilang doon?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share