Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 11/15 p. 30
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Kailangang Makilala Natin ang Pangalan ng Diyos
    Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman
  • Ano ang Pangalan ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
  • Pangalan ng Diyos
    Gumising!—2017
  • Dinadakila ni Jehova ang Kaniyang Pangalan
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 11/15 p. 30

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Sa Filipos 2:9, sinabi ni Pablo tungkol kay Jesus: “Itinaas siya ng Diyos sa isang nakatataas na posisyon at may kabaitang ibinigay sa kaniya ang pangalan na higit kaysa lahat ng iba pang pangalan.” Ano ang bagong pangalang ito? At kung si Jesus ay nakabababa kay Jehova, papaanong ang pangalan ni Jesus ay higit kaysa lahat ng iba pang pangalan?

Sa Filipos 2:8, 9 ay mababasa: “Higit pa riyan, nang masumpungan niya [ni Jesus] ang kaniyang sarili sa anyo ng tao, nagpakababa siya at naging masunurin hanggang sa kamatayan, oo, kamatayan sa pahirapang tulos. Sa mismong dahilan ding ito ay itinaas siya ng Diyos sa isang nakatataas na posisyon at may kabaitang ibinigay sa kaniya ang pangalan na higit kaysa sa lahat ng iba pang pangalan.”

Ang talatang ito ay hindi nangangahulugan na yamang si Jehova lamang ang may pangalang nakahihigit kaysa sa lahat ng iba pang pangalan, si Jesus ay siya ring si Jehova. Gaya ng ipinakikita ng konteksto sa kabanata 2 ng Filipos, natamo ni Jesus ang kaniyang nakahihigit na pangalan pagkatapos na siya’y buhaying-muli. Bago nito, hindi niya taglay iyon. Sa kabilang dako, si Jehova ay laging kataas-taasan, at hindi kailanman nagbago ang kaniyang posisyon. Ang bagay na tumanggap si Jesus ng pangalang higit kaysa pangalang taglay niya bago siya naglingkod sa lupa ay nagpapatotoo na hindi siya si Jehova. Nang sabihin ni Pablo na si Jesus ay binigyan ng pangalan na higit kaysa sa lahat ng iba pang pangalan, kaniyang ipinapakahulugan na si Jesus ngayon ang may pinakadakilang pangalan sa lahat ng nilalang ng Diyos.

Ano ang dakilang pangalan ni Jesus? Ang Isaias 9:6 ay tumutulong sa atin tungkol sa sagot. Sa paghula tungkol sa dumarating na Mesiyas, si Jesus, ang talatang iyan ay nagsasabi: “Ang pamamahala bilang prinsipe ay maaatang sa kaniyang balikat. At ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang-Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.” Dito ang “pangalan” ni Jesus ay may kinalaman sa kaniyang mataas na posisyon at awtoridad, na siya ring pagkaunawa natin sa “pangalan na higit kaysa sa lahat ng iba pang pangalan” na binanggit sa Filipos 2:9. Ang bawat tuhod ay inuutusan na lumuhod kay Jesus bilang pagkilala sa mataas na posisyon ng awtoridad na ibinigay sa kaniya ni Jehova​—isang posisyon ng awtoridad na nakatataas kaysa sa naibigay sa sinumang iba pang nilalang. Ang salitang “iba pa” sa pagkasaling ito ay hindi tuwirang kinakatawan sa saligang tekstong Griego, ngunit ipinahihiwatig iyon sa diwa ng talata. Ang “pangalan” ni Jesus ay hindi higit sa kaniyang sariling pangalan kundi higit kaysa sa lahat ng pangalan ng iba pang nilalang.

Anong ligaya natin na makisama sa lahat ng tapat na anghel at mga tao sa pagluluhod ng tuhod bilang pagkilala sa pangalan ni Jesus! Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pagpapasakop kay Jesus sa itinaas at makapangyarihang posisyon na ibinigay sa kaniya ni Jehova​—“sa ikaluluwalhati ng Diyos na Ama.”​—Filipos 2:11; Mateo 28:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share