Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 6/15 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Ginagabayan ng Espiritu ng Diyos—Noong Unang Siglo at Ngayon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • “Ang Espiritu Mismo ang Nagpapatotoo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Banal na Espiritu
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Lumakad Ayon sa Espiritu at Tuparin ang Iyong Pag-aalay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 6/15 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Masasabi ba natin na ang mga lingkod ng Diyos sa ngayon na may makalupang pag-asa ay may taglay na espiritu ng Diyos na gaya ng taglay ng mga Kristiyanong pinahiran-ng-espiritu?

Ang tanong na ito ay hindi bago. Ganito rin ang tinalakay sa “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa The Watchtower ng Abril 15, 1952. Marami na ang naging Saksi mula noon, kaya maisasaalang-alang natin ang tanong at habang ginagawa ito ay marerepaso ang binanggit sa naunang materyal.

Sa diwa, ang sagot ay, oo, maaaring tumanggap ang tapat na mga miyembro ng ibang mga tupa ng banal na espiritu ng Diyos na gaya ng mga pinahiran.​—Juan 10:16.

Sabihin pa, hindi ito nangangahulugan na pare-pareho ang pagkilos ng espiritu sa lahat ng indibiduwal. Gunitain ang tapat na mga lingkod noong bago ang panahong Kristiyano, na tiyak na tumanggap ng espiritu ng Diyos. Taglay ang kapangyarihan buhat sa espiritu, ang ilan sa kanila ay pumatay ng mababangis na hayop, gumamot ng mga maysakit, bumuhay pa nga ng mga patay. At kinailangan nila ang espiritu upang maisulat ang kinasihang mga aklat ng Bibliya. (Hukom 13:24, 25; 14:5, 6; 1 Hari 17:17-24; 2 Hari 4:17-37; 5:1-14) Sinabi ng The Watchtower: “Bagaman hindi kabilang sa uring pinahiran, sila ay napuspos ng banal na espiritu.”

Sa isang panig, isaalang-alang ang mga lalaki at babae noong unang siglo na pinahiran ng banal na espiritu, anupat naging espirituwal na mga anak ng Diyos na may makalangit na pag-asa. Lahat ay pinahiran, ngunit hindi iyon nangangahulugan na naging pare-pareho ang paraan ng pagkilos ng espiritu sa kanilang lahat. Iyan ay maliwanag sa 1 Corinto kabanata 12. Doon ay tinalakay ni apostol Pablo ang mga kaloob ng espiritu. Mababasa natin sa mga 1Cor 12 talata 8, 9, at 1Cor 12:11: “Sa isa ay ibinibigay ang pagsasalita ng karunungan sa pamamagitan ng espiritu, sa isa pa ay pagsasalita ng kaalaman alinsunod sa gayunding espiritu, sa isa pa ay pananampalataya sa pamamagitan ng gayunding espiritu, sa isa pa ay mga kaloob ng mga pagpapagaling sa pamamagitan ng iisang espiritung iyon.  . . . Ngunit ang lahat ng pagkilos na ito ay isinasagawa ng iisa at gayunding espiritu, na gumagawa ng pamamahagi sa bawat isa nang kani-kaniya ayon sa niloloob nito.”

Kapansin-pansin, hindi lahat ng mga pinahiran noon ay may makahimalang mga kaloob ng espiritu. Sa 1 Corinto kabanata 14, binanggit ni Pablo ang isang pulong ng kongregasyon na doon ang isa ay may kaloob na mga wika, subalit wala roon na nagtataglay ng kaloob na pagsasalin. Gayunpaman, sa naunang pagkakataon, bawat isa sa kanila ay nakaranas na mapahiran ng espiritu. Makatuwiran bang sabihin na ang kapatid na may kaloob na mga wika ay nagtataglay ng higit na espiritu kaysa sa iba na naroroon? Hindi. Ang ibang mga pinahirang iyon ay hindi naman mahihina, na para bang di-maunawaan nang lubusan ang Bibliya di-tulad ng isang iyon o walang kakayahang humarap sa mga pagsubok di-tulad ng iba. Ang espiritu ay kumilos sa pantanging paraan sa kapatid na nakapagsasalita ng mga wika. Gayunpaman, siya at ang iba pa ay kailangang manatiling malapit kay Jehova at ‘patuloy na mapuspos ng espiritu,’ gaya ng isinulat ni Pablo.​—Efeso 5:18.

Tungkol naman sa mga nalabi ngayon, tiyak na tumanggap sila ng espiritu ng Diyos. Sa isang pagkakataon ay kumilos ito sa kanila sa isang pantanging paraan​—sa panahon nang sila ay pahiran at ampunin bilang espirituwal na mga anak. Mula noon sila ay ‘patuloy na napuspos ng espiritu,’ anupat natutulungan nito kapag sila ay nagsisikap na maunawaan ang Bibliya nang mas malinaw, nangunguna sa pangangaral, o napapaharap sa mga pagsubok​—personal man o pang-organisasyon.

Yaong kabilang sa “ibang mga tupa,” bagama’t hindi nakaranas na maging pinahiran, ay tumatanggap rin ng banal na espiritu sa ibang paraan. Ganito ang sinabi ng The Watchtower ng Abril 15, 1952:

“Ang ‘ibang mga tupa’ sa ngayon ay gumaganap ng gayunding pangangaral gaya ng nalabi, sa ilalim ng gayunding mahihirap na kalagayan, at nagpapamalas ng gayunding katapatan at integridad. Sila ay pinakakain sa iisang espirituwal na mesa, kumakain ng parehong pagkain, tumatanggap ng iisang katotohanan. Palibhasa’y kabilang sa uring makalupa, na may makalupang pag-asa at isang masidhing interes sa mga bagay sa lupa, maaaring maging higit na interesado sila sa mga kasulatan na may kinalaman sa makalupang mga kalagayan sa bagong sanlibutan; samantalang ang pinahirang nalabi, na may makalangit na pag-asa at masidhing personal na interes sa mga bagay hinggil sa espiritu, ay maaaring mas masikap na mag-aaral ng gayong mga bagay sa Salita ng Diyos. . . . Subalit nananatili ang bagay na makukuha ng dalawang uri ang magkaparehong katotohanan at ang magkaparehong unawa, at tanging ang paraan ng pag-aaral ng bawat indibiduwal ang tumitiyak sa kanilang nakakamit na pagkaunawa sa makalangit at makalupang mga bagay. Maaaring makamit ng dalawang uri ang parehong sukat ng espiritu ng Panginoon, at magkapareho ang inialok na kaalaman at unawa sa dalawa, taglay ang parehong pagkakataon para tanggapin ito.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share