Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 3/1 p. 29
  • “Isa Lamang sa Maraming Buhay na Naantig Mo”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Isa Lamang sa Maraming Buhay na Naantig Mo”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Siniyasat ng Isang Abogado ang mga Saksi ni Jehova
    Gumising!—2010
  • Pagpapalaki ng mga Anak sa Buong Daigdig—Pangangalaga sa mga Anak na Taglay ang Pag-ibig, Disiplina, Halimbawa, at Espirituwal na mga Pamantayan
    Gumising!—1991
  • Paglilingkod sa Diyos Bilang Isang Pamilya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Talagang Sinasagot ng Diyos ang mga Panalangin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 3/1 p. 29

“Isa Lamang sa Maraming Buhay na Naantig Mo”

NOONG Enero 1996, si Carol ay nagkaroon ng tumor sa utak. Siya ay nasa mga edad 60 pataas at bago ang panahong iyon ay lagi siyang masayahin, masiglang babae na may nakapagpapatibay na pananalita para sa lahat. Subalit ngayon ang mga doktor ay nagsisikap upang masugpo ang nakamamatay na pagkalat ng tumor. Sa gitna ng kaniyang pakikipagpunyagi, natanggap ni Carol ang sumusunod na liham:

“Mahal na Carol:

“Labis akong nalulungkot sa paghina ng iyong kalusugan. Mabuti na lang, taglay natin ang tunay na pag-asa na ating natutuhan at minahal sa tulong ng Bibliya. Ang pag-asang ito ay ang pamamahala ng Kaharian ni Jehova sa lupa upang tayo ay makapamuhay sa isang paraisong kalagayan, isang panahon na inaasam-asam nating lahat.

“Nais kong malaman mo na ang iyong personal na pangangaral ay nagligtas ng maraming tao buhat sa walang-hanggang kamatayan. Isa ako sa mga taong ito. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ang una nating pagkikita. Noon ay 20 taóng gulang pa lamang ako. Mahaba ang aking buhok, nagbebenta ng droga, at nag-iistambay na kasama ang isang pangkat ng mga butangero. Lahat kami ay de-baril at walang tunay na pag-ibig liban sa aming sarili.

“Kumatok ka sa aking pinto kasama ang isa pang Saksi at nag-alok sa akin ng Ang Bantayan at Gumising! Sinubukan kong bigyan ka ng isang dolyar at sinabi na hindi ko gusto ang mga magasin. Ipinaliwanag mo sa akin na hindi kayo nangangaral para lamang lumikom ng mga donasyon. Sinabi mo sa akin na ginagampanan ninyo ang isang gawain upang tulungan ang mga tao na basahin ang Bibliya. Hindi ko tiyak kung kinuha ko ang mga magasin o binasa ang mga ito. Gayunpaman, itinanim mo ang binhi ng katotohanan sa aking buhay.

“Pagkalipas ng ilang taon ay isa pang Saksi, si Gary, ang dumating sa bahay ng aking ina nang ako ay naroon. Ikinuwento ko sa kaniya ang pagdalaw mo mga ilang taon na ang nakaraan. Matagal na nakipag-aral ng Bibliya sa akin si Gary hanggang sa ako ay mabautismuhan noong 1984. Ngayon ay itinuturo ko sa aking mga anak ang katotohanan ng Kaharian ng Diyos.

“Tiyak ko na ako’y isa lamang sa maraming buhay na naantig mo sa mga taon ng iyong tapat na paglilingkod. Subalit, dahil sa maibiging kabaitang ito, tinulungan mo ako at ang aking pamilya na makilala ang Dakilang Diyos, si Jehova, at ang kaniyang Anak, si Kristo Jesus. Inaasam-asam ko ang araw na makikita kita sa bagong sistema ng mga bagay kapag papahirin ni Jehova ang bawat luha sa ating mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan.​—Apocalipsis 21:4.

“Sa ganang akin at ng aking pamilya, natutuwa kami na nagkaroon kami ng pagkakataong makilala ka at maging bahagi ng iyong gawaing pagpapatotoo. Salamat.

“Taglay ang pag-ibig na pangkapatid,

Peter”

Pagkaraan nang anim na buwan na pagkakasakit, si Carol ay namatay noong Marso 1996, na nakapagtanim ng maraming binhi ng katotohanan sa panahon ng kaniyang 35 taon bilang isang masigasig na ebanghelisador. Natutuhan niya na hindi kailanman nalalaman ng isa kung kailan magbubunga ang isang binhi, kahit pagkaraan ng maraming taon.​—Mateo 13:23.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share