Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 10/1 p. 3-4
  • “Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Inyo”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Inyo”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Kristiyano ay Sumasamba sa Espiritu at Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Mahalaga Pa Ba Kung Ano ang Totoo?
    Iba Pang Paksa
  • Sino ang Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Bakit Pa nga ba Hahanapin ang Katotohanan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 10/1 p. 3-4

“Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Inyo”

“Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” Iyan ang ipinahayag ni Jesus habang tinuturuan niya ang pulutong ng mga tao sa templo sa Jerusalem. (Juan 8:32) Madaling natanto ng mga apostol ni Jesus na ang mga turo ni Jesus ang siyang katotohanan. Nakita na nila ang napakaraming patotoo na ang kanilang guro ay nagmula sa Diyos.

GAYUNMAN, ang ilan ay maaaring nahihirapan sa ngayon na makilala ang katotohanang sinasabi ni Jesus. Kung paano noong kaarawan ng propetang si Isaias, sa ngayon ay may “nagsasabing ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti, na inaaring dilim ang liwanag at liwanag ang dilim, na inaaring mapait ang matamis at matamis ang mapait.” (Isaias 5:20) Dahil sa napakaraming opinyon, pilosopiya, at istilo ng pamumuhay na itinataguyod sa panahong ito, maraming tao ang nag-aakalang ang lahat ng bagay ay relatibo at na walang bagay na masasabing katotohanan.

Nang sabihin ni Jesus sa kaniyang tagapakinig na ang katotohanan ay magpapalaya sa kanila, ito ang kanilang itinugon: “Kami ay mga supling ni Abraham at kailanman ay hindi kami naging alipin ninuman. Paano ngang iyong sinasabi, ‘Kayo ay magiging malaya’?” (Juan 8:33) Hindi nila nadamang kailangan nila ang sinuman o anupaman upang sila’y mapalaya. Subalit ipinaliwanag naman ni Jesus: “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bawat gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan.” (Juan 8:34) Ang katotohanang sinasabi ni Jesus ay makapagbubukas ng daan tungo sa kalayaan mula sa kasalanan. Sabi ni Jesus: “Kung palalayain kayo ng Anak, kayo ay talagang magiging malaya.” (Juan 8:36) Ang katotohanang magpapalaya sa mga tao kung gayon ay ang katotohanan tungkol kay Jesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. Tanging sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa inihaing sakdal na buhay ni Jesus bilang tao mapalalaya ang sinuman mula sa kasalanan at kamatayan.

Minsan naman ay sinabi ni Jesus: “Pabanalin mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang iyong salita ay katotohanan.” (Juan 17:17) Ang salita ng Diyos na ipinahahayag sa Bibliya ang siyang katotohanan na makapagpapalaya mula sa pamahiin at huwad na pagsamba. Ang Bibliya ay naglalaman ng katotohanan tungkol kay Jesu-Kristo, na umaakay sa mga tao na manampalataya sa kaniya at nagbubukas ng daan tungo sa isang maaliwalas na pag-asa sa hinaharap. Tunay na isang napakainam na bagay na makilala ang katotohanan ng Salita ng Diyos!

Gaano ba kahalaga na makilala ang katotohanan? Karamihan sa mga relihiyon sa ngayon, bagaman nag-aangking sumusunod sila sa Bibliya, ay karaniwan nang naiimpluwensiyahan ng mga pilosopiya at tradisyon ng tao. Kadalasan, waring hindi gaanong nababahala ang mga lider ng relihiyon kung tungkol sa kawastuan ng kanilang mensahe. Ang mas mahalaga sa kanila’y kung tatanggapin ito ng mga tao. Ang ilan naman ay nag-aakalang nasisiyahan na ang Diyos sa anumang anyo ng pagsamba, basta’t taimtim ito. Ngunit nagpaliwanag si Jesu-Kristo: “Ang oras ay dumarating, at ito ay ngayon na, na ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat, sa katunayan, hinahanap ng Ama ang mga tulad nito upang sumamba sa kaniya.”​—Juan 4:23.

Kung nais nating sambahin ang Diyos sa paraang kaayaaya sa kaniya, dapat nating alamin ang katotohanan. Ito’y isang mahalagang isyu. Nakasalalay rito ang ating walang-hanggang kaligayahan. Samakatuwid, bawat isa’y dapat magtanong sa kaniyang sarili: ‘Kaayaaya ba ang aking paraan ng pagsamba sa Diyos? Talaga bang interesado akong malaman ang katotohanan ng Salita ng Diyos? O nangangamba ako sa maaaring isiwalat ng isang maingat na pagsusuri?’

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share