Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 2/1 p. 30-31
  • “Jehova” o “Yahweh”?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Jehova” o “Yahweh”?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Sa Ugat ng Pagtatalo
  • Ano ba ang Nasa Pangalan?
  • Bakit Natin Gagamitin ang Pangalan ng Diyos Kung Hindi Naman Tayo Tiyak sa Bigkas Nito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Ang Pangalan ng Diyos—Kahulugan at Bigkas
    Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman
  • Sino si Jehova?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Pagkilala sa Tanging Diyos na Totoo
    Gumising!—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 2/1 p. 30-31

“Jehova” o “Yahweh”?

“PINAGHALO,” “pinagsama-sama,” “naiiba.” Ano ang nagpangyari sa mga iskolar sa Bibliyang Hebreo na gamitin ang gayong mabibigat na termino? Ang isyu ay kung “Jehova” ang tamang bigkas sa pangalan ng Diyos. Sa loob ng mahigit isang daang taon, nanatili ang pagtatalong ito. Sa ngayon, waring pinapaburan ng karamihan sa mga iskolar ang dalawang-pantig na “Yahweh.” Subalit talaga bang lubhang “naiiba” ang bigkas na “Jehova”?

Sa Ugat ng Pagtatalo

Ayon sa Bibliya, isiniwalat mismo ng Diyos ang kaniyang pangalan sa sangkatauhan. (Exodo 3:15) Ipinakikita ng katibayan sa Kasulatan na malayang ginamit ng sinaunang mga lingkod ng Diyos ang pangalang ito. (Genesis 12:8; Ruth 2:4) Kilala rin ng ibang bansa ang pangalan ng Diyos. (Josue 2:9) Totoo ito lalo na pagkatapos na makasalamuha ng mga Judiong bumalik mula sa pagkabihag sa Babilonya ang mga tao ng maraming bansa. (Awit 96:2-10; Isaias 12:4; Malakias 1:11) Ang The Interpreter’s Dictionary of the Bible ay nagsasabi: “Maraming katibayan na noong panahon pagkatapos ng pagkabihag sa Babilonya, maraming banyaga ang naakit sa relihiyon ng mga Judio.” Gayunman, noong unang siglo C.E., nagkaroon ng pamahiin may kinalaman sa pangalan ng Diyos. Sa wakas, hindi lamang huminto sa hayagang paggamit sa pangalan ng Diyos ang bansang Judio kundi ipinagbawal pa nga ng ilan ang pagbigkas nito. Sa gayo’y nalimutan na ang wastong bigkas nito​—nalimutan nga ba?

Ano ba ang Nasa Pangalan?

Sa wikang Hebreo, ang pangalan ng Diyos ay isinusulat na יהוה. Ang apat na titik na ito, na binabasa mula sa kanan pakaliwa, ay karaniwang tinatawag na Tetragrammaton. Maraming pangalan ng mga tao at lugar na binanggit sa Bibliya ang naglalaman ng pinaikling anyo ng banal na pangalan. Posible bang magbigay ng ilang himaton ang mga pangngalang pantangi na ito sa kung paano binigkas ang pangalan ng Diyos?

Ayon kay George Buchanan, propesor na emeritus sa Wesley Theological Seminary, sa Washington, D.C., E.U.A., ang sagot ay oo. Ganito ang paliwanag ni Propesor Buchanan: “Noong sinaunang panahon, kadalasang ipinapangalan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa kanilang mga diyos. Nangangahulugan ito na binibigkas nila ang pangalan ng kanilang mga anak sa katulad na paraan ng pagbigkas nila sa pangalan ng diyos. Ang Tetragrammaton ay isinama sa mga pangalan ng tao, at lagi nilang ginagamit ang gitnang patinig.”

Isaalang-alang ang ilang halimbawa ng mga pangngalang pantangi na masusumpungan sa Bibliya na naglalakip sa pinaikling anyo ng pangalan ng Diyos. Ang Jonatan, na lumilitaw bilang Yoh·na·thanʹ o Yehoh·na·thanʹ sa Bibliyang Hebreo, ay nangangahulugang “ibinigay ni Yaho o Yahowah,” sabi ni Propesor Buchanan. Ang pangalan ng propetang si Elias ay ʼE·li·yahʹ o ʼE·li·yaʹhu sa Hebreo. Ayon kay Propesor Buchanan, ang pangalan ay nangangahulugang: “Ang Diyos ko ay si Yahoo o Yahoo-wah.” Sa katulad na paraan, ang pangalang Hebreo para sa Jehosapat ay Yehoh-sha·phatʹ, na nangangahulugang “Si Yaho ay humatol.”

Ang dalawang-pantig na bigkas sa Tetragrammaton na “Yahweh” ay hindi magpapahintulot na umiral ang patinig na o bilang bahagi ng pangalan ng Diyos. Ngunit sa maraming pangalan sa Bibliya na naglalakip sa banal na pangalan, ang tunog ng gitnang patinig na ito ay lumilitaw kapuwa sa orihinal at sa pinaikling mga anyo, gaya sa Jehonatan at Jonatan. Kaya naman ganito ang sabi ni Propesor Buchanan may kinalaman sa banal na pangalan: “Hindi inalis sa anumang kaso ang patinig na oo o ang oh. Ang salita ay kung minsan pinaiikli na ‘Ya,’ subalit hindi kailanman pinaiikli na ‘Ya-weh.’ . . . Kapag ang Tetragrammaton ay binibigkas sa isang pantig, ito’y ‘Yah’ o ‘Yo.’ Kapag ito’y binibigkas sa tatlong pantig, ito’y ‘Yahowah’ o ‘Yahoowah.’ Kung ito man ay pinaiikli sa dalawang pantig, ito’y nagiging ‘Yaho.’ ”​—Biblical Archaeology Review.

Tinutulungan tayo ng mga komentong ito na maunawaan ang pangungusap na binanggit ng Hebreong iskolar noong ika-19 na siglo na si Gesenius sa kaniyang Hebrew and Chaldee Lexicon to the Old Testament Scriptures: “Yaong mga nag-aakala na יְהוָֹה [Ye-ho-wah] ang aktuwal na bigkas [sa pangalan ng Diyos] ay may saligan upang ipagtanggol ang kanilang opinyon. Sa ganitong paraan ng pagbigkas na ang pinaikling mga pantig na יְהוֹ [Ye-ho] at יוֹ [Yo], na siyang pasimula ng maraming pangngalang pantangi, ay mas kasiya-siyang maipaliliwanag.”

Gayunpaman, sa pambungad sa kaniyang bagong salin ng The Five Books of Moses, ganito ang binanggit ni Everett Fox: “Kapuwa ang nakaraan at bagong mga pagsisikap na makuhang muli ang ‘tamang’ bigkas sa Hebreong pangalan [ng Diyos] ay hindi nagtagumpay; ni kapani-paniwala mang mapatutunayan ang naririnig kung minsan na ‘Jehova’ o ang pamantayan ng pantas na ‘Yahweh.’

Walang alinlangang magpapatuloy ang debate ng mga pantas. Hindi na binibigkas ng mga Judio ang pangalan ng tunay na Diyos bago pa nagawa ng mga Masorete ang sistema ng pagmamarka ng mga bantas-bigkas sa patinig. Sa gayon, walang tiyak na paraan upang patunayan kung anong mga patinig ang isinasama sa mga katinig na YHWH (יהוה). Gayunman, ang mga pangalan mismo ng mga kilalang tao sa Bibliya​—ang tamang bigkas ay hindi kailanman nalimutan​—ay naglalaan ng tiyak na himaton sa sinaunang bigkas sa pangalan ng Diyos. Dahil dito, sa paano man ay sumasang-ayon ang ilang iskolar na ang bigkas na “Jehova” ay hindi naman “naiiba.”

[Mga larawan sa pahina 31]

“Jehova” ang pinakapopular na bigkas sa pangalan ng Diyos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share