Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w01 8/1 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Pinangakuan ni Jehova si Daniel ng Kamangha-manghang Gantimpala
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Daniel
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Ikaw at ang Aklat ng Daniel
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
  • Sinubok—Ngunit Tapat kay Jehova!
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
w01 8/1 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Nasaan ba si Daniel nang subukin ang tatlong Hebreo sa harap ng napakalaking imahen na itinayo ni Nabucodonosor sa kapatagan ng Dura?

Walang binabanggit ang Bibliya hinggil dito, kaya walang sinumang tao ang makatitiyak kung nasaan si Daniel noong panahon ng pagsubok na iyon.

Ipinapalagay ng iba na ang opisyal na ranggo ni Daniel o ang kaniyang paborableng katayuan kay Nabucodonosor ay nakahihigit kaysa kina Sadrac, Mesac, at Abednego kung kaya’t si Daniel ay hindi obligadong pumunta sa kapatagan ng Dura. Ipinahihiwatig nga ng Daniel 2:49 na may panahon na mas mataas ang kaniyang naging posisyon kaysa sa kaniyang tatlong kasamahan. Ngunit hindi natin mapatutunayan na pinalibre siya nito mula sa pakikipagtipon kasama ng iba pa sa harap ng imahen.

Palibhasa’y sinisikap na ipaliwanag ang hindi pagkanaroroon ni Daniel, sinasabi ng iba na baka pinapunta siya sa ibang lugar dahil sa isang opisyal na atas o kaya’y may-sakit siya kung kaya’t hindi siya nakadalo. Gayunman, hindi iyon sinasabi ng Bibliya. Anuman ang nangyari, tiyak na ang ikinilos ni Daniel ay hindi maaaring punahin, dahil kung ganoon nga, walang-alinlangang gagamitin ito ng mapanibughuing mga opisyal ng Babilonya upang paratangan siya. (Daniel 3:8) Bago at pagkatapos ng pangyayaring ito, pinatunayan ni Daniel na siya ay nag-iingat ng katapatan, anupat naging matapat siya sa Diyos anumang pagsubok ang napaharap sa kaniya. (Daniel 1:8; 5:17; 6:4, 10, 11) Kaya bagaman hindi sinasabi ng Bibliya kung bakit wala roon si Daniel sa kapatagan ng Dura, makapagtitiwala tayo na siya’y naging lubhang matatag sa kaniyang katapatan sa Diyos na Jehova.​—Ezekiel 14:14; Hebreo 11:33.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share