Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w03 4/1 p. 3
  • Ang Huling Hapunan—Ano ba Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Huling Hapunan—Ano ba Ito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Huling Hapunan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Hapunan ng Panginoon ay May Malaking Kahulugan Para sa Iyo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Ang Huling Hapunan ni Jesus
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Isang Okasyon na Hindi Mo Dapat Kaligtaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
w03 4/1 p. 3

Ang Huling Hapunan​—Ano ba Ito?

ANO ang sumasagi sa isip mo kapag naririnig mo ang pananalitang “ang huling hapunan”? Maiisip ng maraming tao ang labis na hinahangaang larawang alpresko (fresco) sa Milan, Italya, na iginuhit ng pintor na si Leonardo da Vinci (1452-1519). Ang totoo, ang Huling Hapunan ay naging popular na tema para sa mga pintor, manunulat, at musikero sa nakalipas na mga siglo.

Subalit ano nga ba ang Huling Hapunan, at ano ang kahulugan nito para sa mga taong nabubuhay sa ika-21 siglo? Sasabihin sa iyo ng mga ensayklopidiya at mga diksyunaryo na ang Huling Hapunan, na tinatawag ding Hapunan ng Panginoon, ay ang hapunan na pinagsaluhan ni Jesu-Kristo at ng kaniyang mga apostol noong gabi bago siya mamatay bilang hain. Yamang ito ang huling hapunan na pinagsaluhan ni Jesus at ng kaniyang tapat na mga tagasunod, ito ay karaniwan nang tinatawag na Huling Hapunan. At yamang ito ay itinatag ng Panginoong Jesu-Kristo mismo, angkop lamang ang katawagang Hapunan ng Panginoon.

Sa nakalipas na mga siglo, isinakripisyo ng marami ang kanilang buhay alang-alang sa itinuturing nilang kapuri-puring mga layunin. Ang ilan sa mga kamatayang ito ay nagdulot ng kapakinabangan sa ilang tao sa loob ng isang yugto ng panahon. Ngunit kung ihahambing sa buhay na isinakripisyo ni Jesu-Kristo, wala ni isa man sa gayong mapagsakripisyo-sa-sarili na kamatayan, gaano mang kapuri-puri ang mga ito, ang kasinghalaga ng kamatayan ni Jesu-Kristo. Karagdagan pa, walang kamatayang naganap sa maligalig na kasaysayan ng sangkatauhan ang maaaring magkaroon ng gayon kalawak na epekto sa buong sangkatauhan. Bakit?

Upang masagot ang tanong na iyan at upang matulungan ka na malaman kung ano ang kahulugan ng Hapunan ng Panginoon para sa iyo, inaanyayahan ka naming basahin ang susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share