Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w03 10/1 p. 29
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Bautismo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • “Ang mga Patay ay Ibabangon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • May Kapangyarihan ang Pag-asa sa Pagkabuhay-Muli
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
w03 10/1 p. 29

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Ano ang bautismo dahil sa mga patay?

Sa pagsulat hinggil sa makalangit na pagkabuhay-muli, isinulat ni apostol Pablo ang isang nakapupukaw na talata. Sa Ang Biblia, mababasa natin: “Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila’y binabautismuhan dahil sa kanila?” At ganito naman ang pagkakasalin dito ng Magandang Balita Biblia: “Kung hindi gayon, ano ang halaga ng pagpapabautismo ng mga tao alang-alang sa mga patay? Kung talagang hindi bubuhaying muli ang mga patay, bakit pa nagpapabautismo ang mga tao alang-alang sa kanila?”​—1 Corinto 15:29.

Ipinahihiwatig ba rito ni Pablo na ang mga taong nabubuhay ay dapat magpabautismo alang-alang sa mga patay na hindi nabautismuhan? Maaaring ganito ang maging lohikal na konklusyon mula rito at sa iba pang mga salin ng Bibliya. Gayunman, iba naman ang ipinahihiwatig na konklusyon ng mas masusing pagsusuri kapuwa sa Kasulatan at sa orihinal na Griegong ginamit ni Pablo. Ibig sabihin ni Pablo na ang pinahirang mga Kristiyano ay binabautismuhan, o inilulubog, sa isang landasin ng buhay na aakay sa kamatayan taglay ang katapatan katulad ng kay Kristo. Pagkatapos, sila’y bubuhaying muli sa espiritung buhay na gaya niya.

Sinusuportahan ng Kasulatan ang paliwanag na ito. Sa kaniyang liham sa mga taga-Roma, sumulat si Pablo: “Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na binautismuhan kay Kristo Jesus ay binautismuhan sa kaniyang kamatayan?” (Roma 6:3) Sa kaniyang liham sa mga taga-Filipos, tinukoy ni Pablo ang kaniyang sarili na nagsasabing: ‘Nakikibahagi sa mga pagdurusa ni Kristo, na ipinasasakop ang aking sarili sa isang kamatayan na tulad ng sa kaniya, upang tingnan kung sa anumang paraan ay makakamtan ko ang mas maagang pagkabuhay-muli mula sa mga patay.’ (Filipos 3:10, 11) Tinutukoy ni Pablo na ang buhay ng isang pinahirang tagasunod ni Kristo ay nangangahulugan ng isang landasin ng pananatiling tapat sa ilalim ng pagsubok, pagharap sa kamatayan sa araw-araw, at sa wakas ay kamatayan dahil sa katapatan, na susundan ng makalangit na pagkabuhay-muli.

Kapansin-pansin na ang mga ito at ang iba pang mga kasulatang tuwirang bumabanggit sa kamatayan na kaugnay ng mga nabautismuhan ay tumutukoy sa nabubuhay na mga indibiduwal na nabautismuhan na at hindi tumutukoy sa mga namatay na. Sinabi rin ni Pablo sa kapuwa pinahirang mga Kristiyano: “Kayo ay inilibing na kasama niya sa kaniyang bautismo, at sa pakikiugnay sa kaniya ay ibinangon din kayong magkakasama sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa pagkilos ng Diyos, na siyang nagbangon sa kaniya mula sa mga patay.”​—Colosas 2:12.

Ang Griegong pang-ukol na hy·perʹ, na isinaling “dahil sa” o “alang-alang sa” sa iba’t ibang bersiyon ng Bibliya sa 1 Corinto 15:29, ay maaari ring mangahulugang “sa layuning.” Kasuwato ng ibang mga teksto sa Bibliya, wastong isinasalin ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan ang talatang ito na: “Ano ang gagawin nila na mga binabautismuhan sa layuning maging mga patay? Kung ang mga patay ay talagang hindi ibabangon, bakit binabautismuhan din sila sa layuning maging gayon?”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share