Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w04 9/15 p. 3-4
  • ‘Manalangin Kayo sa Ganitong Paraan’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Manalangin Kayo sa Ganitong Paraan’
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Mananalangin—Pinakamagandang Paraan Ba ang Panalangin ng Panginoon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Panalangin ng Panginoon—Ang Kahulugan Nito Para sa Iyo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Itaas ang Matapat na mga Kamay sa Panalangin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Manatiling Malapít kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
w04 9/15 p. 3-4

‘Manalangin Kayo sa Ganitong Paraan’

ALAM mo ba ang pananalita sa Panalangin ng Panginoon? Isa itong huwarang panalangin na itinuro ni Jesu-Kristo. Sa kaniyang bantog na Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesus: “Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan.” (Mateo 6:9) Yamang itinuro ito ni Jesus, karaniwan itong tinatawag na Panalangin ng Panginoon, kilala rin bilang ang panalanging Ama Namin.​—Latin, Paternoster.

Saulado ng milyun-milyon sa buong daigdig ang Panalangin ng Panginoon at madalas na inuulit ito, marahil sa araw-araw. Nitong nakalipas na mga taon, binibigkas ng marami ang panalanging ito sa mga paaralan at sa pampublikong mga okasyon. Bakit ba lubhang itinatangi ang Panalangin ng Panginoon?

Ganito ang isinulat ng teologong si Cyprian noong ikatlong siglo: “Ano pa ang mas espirituwal na panalangin kaysa sa ibinigay sa atin ni Kristo . . . ? Ano pang panalangin sa Ama ang mas makatotohanan kaysa sa itinuro sa atin ng Anak na siyang Katotohanan?”​—Juan 14:6.

Sa katesismo nito, itinuturing ng Simbahang Romano Katoliko ang Ama Namin na siyang “saligan ng panalanging Kristiyano.” Kinikilala ng The World Book Encyclopedia ang mahalagang dako ng panalanging ito sa lahat ng mga relihiyon sa Sangkakristiyanuhan, anupat inilalarawan itong isa sa “mga saligang kapahayagan ng Kristiyanong pananampalataya.”

Gayunman, dapat aminin na marami sa mga bumibigkas ng Panalangin ng Panginoon ang hindi lubusang nakauunawa rito. “Kung mayroon kang anumang Kristiyanong pinagmulan, maaaring mabigkas mo nang mabilis ang Panalangin ng Panginoon nang hindi humihinto,” ang sabi ng pahayagang Ottawa Citizen ng Canada, “subalit maaaring mahirapan kang bigkasin ito nang marahan at nang may kaunawaan.”

Talaga bang mahalagang maunawaan ang ating mga panalangin sa Diyos? Bakit ibinigay sa atin ni Jesus ang Panalangin ng Panginoon? Ano ang kahulugan nito para sa iyo? Ituon natin ngayon ang ating pansin sa mga tanong na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share