Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w05 11/15 p. 3
  • Totoo Bang May Diyablo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Totoo Bang May Diyablo?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Sino ba Talaga ang Namamahala sa Daigdig?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Isang Kaaway ng Buhay na Walang-Hanggan
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
w05 11/15 p. 3

Totoo Bang May Diyablo?

ANO ang ideya mo tungkol sa Diyablo? Iniisip mo ba na isa siyang totoong persona na nag-uudyok sa mga tao na gumawa ng masama, o kumakatawan lamang siya sa kasamaan? Dapat bang katakutan ang Diyablo, o ituring na lamang siya bilang isang pamahiin o alamat? Ang salita bang “diyablo” ay tumutukoy sa isang mapaminsalang puwersa sa uniberso na mahirap unawain? Ang termino kayang ito ay simbolo lamang ng kasamaang taglay ng tao, gaya ng sinasabi ng maraming makabagong teologo?

Hindi nga kataka-taka na magkakaiba ang ideya ng mga tao hinggil sa kung sino nga ba ang Diyablo. Napakahirap nga namang malaman ang tunay na karakter ng isang eksperto sa pagbabalatkayo! Lalo na kung determinado siyang manatiling nakatago sa likod ng isang maskara. Ganiyan ang paglalarawan ng Bibliya sa Diyablo. Sa pagtukoy sa kaniya bilang Satanas, sinasabi nito: “Si Satanas mismo ay laging nag-aanyong isang anghel ng liwanag.” (2 Corinto 11:14) Bagaman siya ay masama, nagkukunwaring mabuti ang Diyablo upang makapanlinlang. At lalo siyang makapanlilinlang kung mapapaniwala niya ang mga tao na hindi siya umiiral.

Kung gayon, sino nga ba talaga ang Diyablo? Kailan at paano siya umiral? Paano niya iniimpluwensiyahan ang mga tao sa ngayon? May magagawa ba tayo para mapaglabanan ang kaniyang impluwensiya? Naglalaman ang Bibliya ng tumpak na kasaysayan ng pinagmulan ng Diyablo at naglalaan ito ng makatotohanang mga sagot sa mga tanong na ito.

[Larawan sa pahina 3]

Napakahirap ngang makilala ang isa na determinadong manatiling nakatago sa likod ng isang maskara!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share