Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w06 1/15 p. 3
  • Mga Anghel—Kung Sino Sila

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Anghel—Kung Sino Sila
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Kaparehong Materyal
  • Sino o Ano ang mga Anghel?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Mga Anghel—Apektado ba Nila ang Buhay Mo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Mga Anghel—“Mga Espiritung Ukol sa Pangmadlang Paglilingkod”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Mga Anghel—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
w06 1/15 p. 3

Mga Anghel​—Kung Sino Sila

HINDI makapaniwala sa kaniyang nakirta ang monarka ng isang makapangyarihang imperyo. Tatlong lalaki na hinatulang mamatay sa maapoy na hurno ang nailigtas sa bingit ng kamatayan! Sino ang nagligtas sa kanila? Ang mismong hari ang nagsabi sa tatlong iniligtas: “Pagpalain ang [inyong Diyos], na nagsugo sa kaniyang anghel at nagligtas sa kaniyang mga lingkod na nagtitiwala sa kaniya.” (Daniel 3:28) Mahigit dalawang milenyo na ang nakalilipas, aktuwal na nasaksihan ng tagapamahalang ito ng Babilonya ang pagliligtas ng isang anghel. Noon, milyun-milyong tao ang naniniwala sa mga anghel. Sa ngayon, marami ang hindi lamang basta naniniwala na may mga anghel kundi naniniwala rin sila na sa paanuman ay nakaaapekto sa kanilang buhay ang mga anghel. Sino ang mga anghel, at saan sila nagmula?

Ayon sa Bibliya, ang mga anghel ay espiritu, kung paanong ang Diyos mismo ay Espiritu. (Awit 104:4; Juan 4:24) Malaki ang pamilya ng mga anghel, milyun-milyon ang bilang nila. (Apocalipsis 5:11) At lahat sila ay “makapangyarihan sa kalakasan.” (Awit 103:20) Bagaman ang mga anghel ay tulad ng mga tao na may personalidad at kalayaang magpasiya, hindi sila nagsimula bilang tao. Sa katunayan, matagal na panahon bago pa umiral ang tao, nilikha na ng Diyos ang mga anghel​—bago pa man lalangin ang planetang Lupa. Nang “itatag [ng Diyos] ang lupa,” ang sabi ng Bibliya, “magkakasamang humiyaw nang may kagalakan ang mga bituing pang-umaga [mga anghel], at . . . sumigaw sa pagpuri ang lahat ng mga anak ng Diyos.” (Job 38:4, 7) Yamang nilalang ng Diyos ang mga anghel, sila ay tinatawag na mga anak ng Diyos.

Bakit nilalang ng Diyos ang mga anghel? Anong papel, kung mayroon man, ang ginagampanan ng mga anghel sa buhay ng mga tao? Naaapektuhan ba nila ang buhay natin sa ngayon? Yamang may kalayaan silang magpasiya, may mga anghel ba na sumunod sa landasin ni Satanas na Diyablo at ginawa ang kanilang sarili na kaaway ng Diyos? May makatotohanang sagot ang Bibliya sa mga tanong na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share