Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w09 4/1 p. 5
  • Pagiging Born Again—Gaano Kahalaga?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagiging Born Again—Gaano Kahalaga?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Pagiging Born Again—Ang Daan Tungo sa Kaligtasan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Sino ang “Ipinanganak-muli”?
    Gumising!—1988
  • Pagiging Born Again—Ikaw ba ang Magpapasiya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Ano ang Kahulugan ng Pagiging Born Again?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
w09 4/1 p. 5

Pagiging Born Again​—Gaano Kahalaga?

SA PAKIKIPAG-USAP ni Jesus kay Nicodemo, idiniin niya na napakahalagang maging born again. Paano niya ipinaliwanag iyon?

Pansinin kung paano idiniin iyon ni Jesus: “Malibang maipanganak muli [o born again] ang isa, hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.” (Juan 3:3) Ang mga salitang “maliban” at “hindi” ay nagdiriin sa kahalagahan ng pagiging born again. Bilang halimbawa: Kapag sinabi ng isa, “Malibang sumikat ang araw, hindi magkakaroon ng liwanag,” ang ibig niyang sabihin ay na talagang kailangan ang sikat ng araw para magliwanag. Sa katulad na paraan, sinabi ni Jesus na talagang kailangang maging born again ang isa para makita niya ang Kaharian ng Diyos.

Upang hindi na pag-alinlanganan pa ang hinggil dito, sinabi ni Jesus: “Kayo ay dapat na maipanganak muli.” (Juan 3:7) Maliwanag na ayon kay Jesus, ang pagiging born again ay isang kahilingan para ‘makapasok sa kaharian ng Diyos.’​—Juan 3:5.

Yamang itinuturing ni Jesus na napakahalaga ng pagiging born again, dapat tiyakin ng mga Kristiyano na tumpak ang pagkaunawa nila sa ibig sabihin nito. Halimbawa, ang isang Kristiyano kaya ang magpapasiya kung magiging born again siya?

[Blurb sa pahina 5]

“Malibang sumikat ang araw, hindi magkakaroon ng liwanag”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share