Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w09 9/1 p. 3
  • Nangangako ba ang Diyos na Yayaman Ka?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nangangako ba ang Diyos na Yayaman Ka?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Tunay na Kasaganaan sa Bagong Sanlibutan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Ang Pagpapala ni Jehova ang Nagpapayaman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kayamanan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Sino si Abraham?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
w09 9/1 p. 3

Nangangako ba ang Diyos na Yayaman Ka?

‘Gusto ng Diyos na yumaman ka​—magkaroon ng mga kotse, maunlad na negosyo. Magtiwala ka lang sa kaniya at ibigay mo sa kaniya ang lahat ng pera mo.’

IYAN ang sinasabi ng ilang grupo ng relihiyon sa Brazil, ayon sa isang diyaryo roon. Marami ang naniniwala rito. Ganito ang sinasabi ng magasing Time tungkol sa isang surbey sa Estados Unidos sa mga nag-aangking Kristiyano: “Ang 61% ay naniniwalang gusto ng Diyos na yumaman ang mga tao. At 31% naman . . . ang sumasang-ayon na kung ibibigay mo ang iyong pera sa Diyos, pagpapalain ka ng Diyos at lalo pang darami ang pera mo.”

Ang mga paniniwalang gaya nito ay laganap lalo na sa mga bansa sa Latin-Amerika, tulad ng Brazil, at dumaragsa ang mga tao sa mga relihiyong nangangako ng materyal na mga pagpapala mula sa Diyos. Pero talaga bang nangangako ang Diyos na yayaman ang mga naglilingkod sa kaniya? Mayaman ba ang lahat ng lingkod ng Diyos noon?

Totoo, madalas nating mabasa sa Hebreong Kasulatan na yumayaman ang mga pinagpapala ng Diyos. Halimbawa, mababasa natin sa Deuteronomio 8:18: “Alalahanin mo si Jehova na iyong Diyos, sapagkat siya ang tagapagbigay ng kapangyarihan sa iyo upang gumawa ng yaman.” Tinitiyak nito sa mga Israelita na kung susundin nila ang Diyos, gagawin niya silang isang mayamang bansa.

Kumusta naman ang indibiduwal na lingkod ng Diyos? Ang tapat na si Job ay napakayaman, at pagkatapos niyang maghirap dahil sa kagagawan ni Satanas, isinauli ni Jehova ang kayamanan ni Job “sa dobleng dami.” (Job 1:3; 42:10) Mayaman din si Abraham. Sinasabi ng Genesis 13:2 na siya ay “lubhang sagana sa mga hayop at sa pilak at sa ginto.” Nang mabihag ng pinagsamang hukbo ng apat na hari sa Silangan ang pamangkin ni Abraham na si Lot, “pinisan [ni Abraham] ang kaniyang mga sinanay na lalaki, na tatlong daan at labingwalong alipin na ipinanganak sa kaniyang sambahayan.” (Genesis 14:14) Tiyak na malaki ang sambahayan ni Abraham dahil mayroon siyang 318 “sinanay na lalaki” sa paggamit ng armas. Yamang kaya niyang suportahan ang gayon kalaking pamilya, tiyak na napakayaman niya, at marami pa siyang kawan at bakahan.

Oo, mayaman ang maraming tapat na lingkod ng Diyos noon​—sina Abraham, Isaac, Jacob, David, Solomon, at iba pa. Ibig bang sabihin nito na yayaman ang lahat ng maglilingkod sa Diyos? Pero kung mahirap ang isa, ibig bang sabihin ay hindi siya pinagpapala ng Diyos? Tatalakayin ng susunod na artikulo ang mga tanong na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share