Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w11 6/1 p. 26-27
  • Pakiramdam Mo ba’y Hindi Ka Tanggap ng Iba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pakiramdam Mo ba’y Hindi Ka Tanggap ng Iba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Mepiboset
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ziba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Napagtagumpayan Nila ang mga Tinik sa Kanilang Laman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
w11 6/1 p. 26-27

Turuan ang Iyong mga Anak

Pakiramdam Mo ba’y Hindi Ka Tanggap ng Iba?

ANG isa ay maaaring makadama na hindi siya tanggap ng iba dahil sa kaniyang kulay, nasyonalidad, o wika. Ganiyan din ba ang nadarama mo?​—a

Tingnan natin ang kuwento ni Mepiboset. Nadama rin niyang hindi siya tanggap ng iba. Kilalanin natin siya at alamin kung bakit gayon ang nadama niya. Kung pakiramdam mo’y hindi ka tanggap ng iba, marami kang matututuhan sa kaniya.

Si Mepiboset ay anak ni Jonatan, matalik na kaibigan ni David. Bago mamatay si Jonatan sa digmaan, sinabi niya kay David: ‘Maging mabait ka sana sa mga anak ko.’ Naging hari si David. Pagkalipas ng mga taon, naalaala niya ang pakiusap ni Jonatan at buháy pa noon si Mepiboset. Naaksidente ito noong bata pa at habambuhay nang naging pilay. Nauunawaan mo ba kung bakit nadama niyang hindi siya tanggap ng iba?​—

Gusto ni David na maging mabait sa anak ni Jonatan. Kaya binigyan niya si Mepiboset ng bahay malapit sa kaniyang tahanan sa Jerusalem, at naglaan din siya ng upuan para kay Mepiboset sa kaniyang hapag-kainan. Binigyan din si Mepiboset ng mga lingkod​—si Ziba at ang mga anak at lingkod nito. Talaga ngang pinarangalan ni David ang anak ni Jonatan! Alam mo ba kung ano ang sumunod na nangyari?​—

Si David ay nagkaroon ng mga problema sa kaniyang pamilya. Kinalaban siya ng isa sa kaniyang mga anak, si Absalom, na gustong maging hari. Kinailangan tuloy ni David na tumakas. Gusto sanang sumama ni Mepiboset kay David at sa mga tagasuporta ng hari. Alam ng mga ito na si David lang ang karapat-dapat na hari. Pero hindi nakasama si Mepiboset dahil hindi siya halos makalakad.

Sinabi ni Ziba kay David na nagpaiwan si Mepiboset dahil gusto talaga nitong maging hari. Naniwala naman si David! Kaya ibinigay niya kay Ziba ang lahat ng pag-aari ni Mepiboset. Nang bandang huli, natalo rin ni David si Absalom at bumalik siya sa Jerusalem. Noon lang niya narinig ang panig ni Mepiboset. Nagpasiya si David na paghatian nina Mepiboset at Ziba ang mga pag-aari. Ano kaya ang ginawa ni Mepiboset?​—

Hindi siya nagreklamo sa pasiya ni David. Alam ni Mepiboset na kailangan ng hari ng kapayapaan para magampanan nitong mabuti ang kaniyang katungkulan. Kaya sinabi niyang kay Ziba na lang ibigay ang lahat ng pag-aari. Ang mahalaga kay Mepiboset ay nakabalik na sa Jerusalem bilang hari ang lingkod ni Jehova na si David.

Maraming dinanas na paghihirap si Mepiboset. Madalas niyang madamang hindi siya tanggap ng iba. Pero minahal siya ni Jehova at pinangalagaan. Ano ang matututuhan natin dito?​— Kahit na ginagawa natin ang tama, baka may manira pa rin sa atin. Sinabi ni Jesus: “Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, alam ninyo na napoot ito sa akin bago ito napoot sa inyo.” Sa katunayan, pinatay pa nga ng mga tao si Jesus! Makatitiyak tayo na kung gagawin natin ang tama, mamahalin tayo ng tunay na Diyos, si Jehova​—at ng kaniyang Anak, si Jesus.

Basahin sa iyong Bibliya

  • 1 Samuel 20:15-17, 41, 42

  • 2 Samuel 4:4; 9:1-10; 19:24-30

  • Juan 15:18

a Kapag binabasa mo ito sa isang bata, ang gatlang pagkatapos ng tanong ay nagsisilbing paalaala sa iyo na huminto at hintayin ang kaniyang sagot.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share