Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w11 10/1 p. 5
  • 2 Walang Malasakit ang Diyos—Totoo ba Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 2 Walang Malasakit ang Diyos—Totoo ba Ito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Biláng ni Jehova “ang Mismong mga Buhok ng Inyong Ulo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Mahalaga Tayo sa Mata ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Nagmamalasakit ba sa Akin ang Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • May Halaga Ka sa Paningin ng Diyos!
    Gumising!—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
w11 10/1 p. 5

2 Walang Malasakit ang Diyos​—Totoo ba Ito?

Ang maaaring narinig mo: “Kung talagang nagmamalasakit ang Diyos sa mga tao, sana inalis na niya ang kasamaan at pagdurusa sa daigdig. At kung may malasakit man siya sa sangkatauhan, wala naman siyang pakialam sa nangyayari sa akin.”

Ang itinuturo ng Bibliya: Hindi sa Diyos na Jehova nanggagaling ang kasamaan. (Santiago 1:13) Bagaman maaalis niya ito kailanman niya gustuhin, pinahintulutan niyang umiral ang tiwaling lipunan sa ngayon para masagot ang mahahalagang isyu na bumangon sa pasimula ng kasaysayan ng tao. Tiyak na kikilos siya para sa kapakanan ng mga tao at aalisin niya ang lahat ng problemang idinulot ng mga taong tumatanggi sa kaniyang pamamahala.​—Genesis 3:1-6; Isaias 65:17.a

Bukod sa nagmamalasakit siya sa buong sangkatauhan, ipinakikita rin ng Diyos na interesadung-interesado siya sa atin bilang mga indibiduwal. Ipinakikita ng Mateo 10:29-31 na may mga alam siyang detalye tungkol sa atin na hindi natin alam: “Hindi ba ang dalawang maya ay ipinagbibili sa isang barya na maliit ang halaga? Gayunma’y walang isa man sa kanila ang mahuhulog sa lupa nang hindi nalalaman ng inyong Ama. Ngunit ang mismong mga buhok ng inyong ulo ay biláng na lahat. Kaya nga huwag kayong matakot: nagkakahalaga kayo nang higit kaysa sa maraming maya.”

Kung paano makatutulong sa iyo ang pagkaalam sa katotohanan: Karaniwan nang iniiwasan ang mga taong mabagsik o walang malasakit. Kaya naman, dahil sa kasinungalingang walang malasakit ang Diyos, maraming tao ang ayaw nang makilala ang Diyos o napipilitan lang na gawin ito. Ang pagkaalam na talagang nagmamalasakit ang Diyos na Jehova ay mag-uudyok sa iyo na gustuhing matuto pa nang higit tungkol sa kaniya at makipagkaibigan sa kaniya.

Halimbawa, baka nananalangin ka sa Diyos pero nag-aalinlangan ka kung pakikinggan o sasagutin ka niya. Tinitiyak sa atin ng Bibliya na ang “Dumirinig ng panalangin” ay laging handang makinig sa lahat ng pagkakataon para sa mga taos-pusong lumalapit sa kaniya.​—Awit 65:2.

Inaanyayahan ka ng Diyos na ‘ihagis sa kaniya ang lahat ng iyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa iyo.’ (1 Pedro 5:7) Makaaasa tayo sa kaniya lalo na sa mahihirap na panahon dahil sinasabi ng kaniyang Salita: “Si Jehova ay malapit sa mga wasak ang puso; at yaong mga may espiritung nasisiil ay inililigtas niya.”​—Awit 34:18.

[Talababa]

a Para sa higit pang impormasyon kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa, tingnan ang kabanata 11 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

[Blurb sa pahina 5]

Kung walang malasakit ang Diyos, bakit pa niya tayo aanyayahang manalangin sa kaniya?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share