Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w12 4/1 p. 30-31
  • Tumanggap si Moises ng Espesyal na Atas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tumanggap si Moises ng Espesyal na Atas
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagwasak sa Sodoma at Gomorra
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Makahimalang Nagpagaling si Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Namangha kay Jesus ang Kaniyang mga Tagapakinig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Nilabanan ni Jesus ang Tukso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
w12 4/1 p. 30-31

Para sa mga Kabataan

Tumanggap si Moises ng Espesyal na Atas

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong napapanood mo ang nangyayari. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

Pangunahing mga tauhan: Ang Diyos na Jehova at si Moises

Sumaryo: Inatasan ni Jehova si Moises na ilabas sa Ehipto ang mga Israelita.

1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG EXODO 3:1-14; 4:1-17.

Ano kaya ang hitsura ng nagniningas na palumpong?

․․․․․

Ano kaya ang naging reaksiyon ni Moises​—ang hitsura at tono ng kaniyang boses​—nang marinig niyang tinawag siya ng Diyos, gaya ng nasa Exodo 3:4?

․․․․․

Anong damdamin ang napansin mo sa boses ni Moises habang nagtatanong siya kay Jehova, gaya ng nakaulat sa Exodo 3:11, 13 at 4:1, 10?

․․․․․

2 PAG-ARALANG MABUTI.

Magsaliksik tungkol sa pariralang “Ako ay magiging gayon sa anumang ako ay magiging gayon.” (Exodo 3:14) Bakit kaya iyan ang isinagot ni Jehova nang magtanong si Moises tungkol sa Kaniyang pangalan?a

․․․․․

Sa palagay mo, bakit parang ayaw makipag-usap ni Moises kay Paraon? (Clue: Basahin ang Bilang 12:3.)

․․․․․

Bakit parang ayaw ni Moises na puntahan at kausapin ang kaniyang mga kapuwa Israelita?

․․․․․

3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa tendensiya ng tao na mawalan ng tiwala sa sarili.

․․․․․

Sa pagtitiwala ni Jehova sa iyo at sa iyong mga abilidad.

․․․․․

PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN.

Sa anong mga gawain ka nawawalan ng tiwala sa iyong sarili?

․․․․․

Paano ka maaaring magamit ng Diyos na Jehova sa kabila ng iyong mga limitasyon?

․․․․․

4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․

Kung gusto mong i-download at/o i-print ang artikulong ito, magpunta sa www.jw.org

Kung wala kang Bibliya, humiling nito sa mga Saksi ni Jehova, o basahin ito sa web site na www.watchtower.org

[Talababa]

a Ang mga Saksi ni Jehova ay naglalathala ng maraming aklat at brosyur na makatutulong sa iyo para sa mas malalim na pag-aaral ng Bibliya. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share