Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w12 6/1 p. 3
  • Isang Ordinaryong Aklat?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Ordinaryong Aklat?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Kaparehong Materyal
  • “Aliwin ang Lahat ng Nagdadalamhati”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Magbigay ng Kaaliwan sa mga Namimighati
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Maaliw sa Lakas ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Kung Paano Tayo Tinutulungan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
w12 6/1 p. 3

Isang Ordinaryong Aklat?

“Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang . . . , upang ang tao ng Diyos ay maging lubos na may kakayahan, lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.”​—2 TIMOTEO 3:16, 17.

HINDI lahat ay sang-ayon sa sinasabing iyan tungkol sa Bibliya. Para sa iyo, ano ba ang Bibliya?

• Isang magandang aklat

• Isang sagradong aklat

• Isang aklat ng alamat na may aral

• Ang Salita ng Diyos

Mahalaga ba kung ano ang pinaniniwalaan mo? Pansinin ang sinasabi ng Bibliya: “Ang lahat ng bagay na isinulat noong una ay isinulat sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng ating pagbabata at sa pamamagitan ng kaaliwan mula sa Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa.” (Roma 15:4) Kaya sinasabi mismo ng Bibliya na dinisenyo ito para magturo at umaliw sa atin at magbigay ng pag-asa.

Pero kung ang Bibliya ay isa lang magandang aklat o isa lang sa maraming banal na aklat, papayag ka bang ito ang magtuturo sa iyo at gagabay sa iyong pamilya, lalo na kung ang mensahe nito ay iba sa iniisip mong tama? Kung ang Bibliya ay isang koleksiyon ng mga alamat, makasusumpong ka kaya ng kaaliwan at pag-asa sa mga pangako nito?

Gayunman, milyun-milyong nag-aaral ng Bibliya ang kumbinsidong ito nga ang natatanging Salita ng Diyos. Bakit? Ano ang kaibahan ng Bibliya sa lahat ng iba pang aklat? Sa kasunod na mga artikulo, hinihimok ka naming isaalang-alang ang limang dahilan kung bakit natatangi ang Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share