Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w12 7/1 p. 6-8
  • Bakit Niya Pinahihintulutan ang Pagdurusa?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Niya Pinahihintulutan ang Pagdurusa?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Napakatagal?
  • Paano Aayusin ng Diyos ang Pinsala?
  • Malapit Nang Magwakas ang Pagpapahintulot ng Diyos sa Pagdurusa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Lahat ng Pagdurusa Malapit Nang Magwakas!
    Lahat ng Pagdurusa Malapit Nang Magwakas!
  • Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
w12 7/1 p. 6-8

Bakit Niya Pinahihintulutan ang Pagdurusa?

MAY mga taong nananalangin, pero nagdududa pa rin kung may Diyos nga. Bakit? Marahil ay dahil nakikita nilang napakaraming nagdurusa sa daigdig. Naitanong mo na rin ba kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa?

Ganito ba talaga nilalang ng Diyos ang mga tao​—di-perpekto at nagdurusa? Tiyak na hindi natin maigagalang ang isang diyos na ang layunin ay magdusa ang mga tao. Pag-isipan ito: Habang pinagmamasdan mo ang isang bagong kotse, napansin mong may yupi ito sa gilid, iisipin mo bang sinadya iyon ng gumawa ng kotse? Siyempre hindi! Iisipin mong ginawa iyon na “perpekto” pero napinsala ng isang tao o ng isang bagay.

Sa katulad na paraan, habang humahanga tayo sa kaayusan at disenyo sa kalikasan at pagkatapos ay napapansin natin ang kaguluhan at katiwalian na nagpapahirap sa pamilya ng tao, ano ang iisipin natin? Itinuturo ng Bibliya na nilalang ng Diyos ang unang mag-asawa na perpekto pero nang maglaon ay dinulutan nila ng pinsala ang kanilang sarili. (Deuteronomio 32:4, 5) Buti na lang, nangako ang Diyos na aayusin niya ang pinsala​—ibabalik niya sa pagiging perpekto ang mga taong masunurin. Pero bakit napakatagal naman?

Bakit Napakatagal?

Ang dahilan ay may kinalaman sa tanong na kung sino ang dapat mamahala sa mga tao. Hindi nilayon ni Jehova na pamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili. Siya ang kanilang magiging Tagapamahala. Sinasabi mismo ng Bibliya: “Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.” (Jeremias 10:23) Kaya lang, pinili ng unang mag-asawa na magrebelde sa pamamahala ng Diyos. Ang ginawa nila ay kasalanan. (1 Juan 3:4) Dahil dito, naiwala nila ang kanilang pagiging perpekto at nagdulot sila ng pinsala sa kanilang sarili at sa kanilang mga supling.

Sa loob ng libu-libong taon, hinayaan ni Jehova ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili, at ipinakikita ng kasaysayan na wala silang kakayahang gawin iyon. Ipinakikita rin nito na ang lahat ng gobyerno ng tao ay nagdudulot ng pagdurusa at wala ni isa man ang nakapag-alis ng digmaan, krimen, kawalang-katarungan, o sakit.

Paano Aayusin ng Diyos ang Pinsala?

Nangangako ang Bibliya na malapit nang pairalin ng Diyos ang isang matuwid na bagong sanlibutan. (2 Pedro 3:13) Tanging ang mga taong nagpapasiyang magpakita ng pag-ibig sa isa’t isa at sa Diyos ang papayagang mamuhay roon.​—Deuteronomio 30:15, 16, 19, 20.

Sinasabi rin ng Bibliya na sa paparating na “araw ng paghuhukom,” aalisin ng Diyos ang pagdurusa at ang mga may kagagawan nito. (2 Pedro 3:7) Pagkatapos, ang inatasan ng Diyos na Tagapamahala, si Jesu-Kristo, ay mamumuno sa masunuring mga tao. (Daniel 7:13, 14) Ano ang maisasagawa ng pamamahala ni Jesus? Sinasabi ng Bibliya: “Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.”​—Awit 37:11.

Bilang Hari sa langit, aayusin ni Jesus ang pinsala​—pati na ang sakit, pagtanda, at kamatayan​—na resulta ng pagrerebelde ng mga tao kay Jehova, ang “bukal ng buhay.” (Awit 36:9) Pagagalingin ni Jesus ang lahat ng tumatanggap sa kaniyang maibiging pamamahala. Sa kaniyang pamamahala, matutupad ang mga hulang ito ng Bibliya:

◼ “Walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’”​—Isaias 33:24.

◼ “Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”​—Apocalipsis 21:4.

Hindi ba’t nakaaaliw malaman na malapit nang tuparin ng Diyos ang kaniyang pangakong aalisin niya ang lahat ng pagdurusa? Samantala, makapagtitiwala tayong dinirinig niya ang ating mga panalangin, kahit pinahihintulutan pa niya sa ngayon ang pagdurusa.

Oo, may Diyos. Naririnig ka niya, maging ang iyong mga pagdaing at pamimighati. At nananabik siyang makita kang nabubuhay sa panahong wala na ang lahat ng iyong pag-aalinlangan at pagdurusa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share