Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w12 8/1 p. 16-17
  • Kailan Naging Hari si Jesus?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kailan Naging Hari si Jesus?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Kaparehong Materyal
  • 1914—Isang Mahalagang Taon sa Hula ng Bibliya
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Kaharian ng Diyos—Nakahihigit sa Lahat ng Paraan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Ang Gobiyerno ng Diyos ay Nagsisimulang Mamahala
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Ano ang Ipinakikita ng Kronolohiya ng Bibliya Tungkol sa Taóng 1914?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
w12 8/1 p. 16-17

Matuto Mula sa Salita ng Diyos

Kailan Naging Hari si Jesus?

Tinatalakay ng artikulong ito ang mga tanong na maaaring naiisip mo at ipinakikita kung saan sa iyong Bibliya matatagpuan ang sagot. Nais ng mga Saksi ni Jehova na ipakipag-usap sa iyo ang mga sagot na ito.

1. Anong kaharian ang ipinangako kay Jesus?

Nangako ang Diyos na isang inapo ni Haring David ang uupo sa Kaniyang trono hanggang sa panahong walang takda. Ang inihulang inapong iyon ay si Jesus, at namamahala na siya ngayon sa langit bilang Hari ng Kaharian ng Diyos.​—Basahin ang Awit 89:4; Lucas 1:32, 33.

Bata pa si David nang piliin siya ng Diyos na Jehova na maging hari sa Kaniyang bayan, ang Israel. Nang mamatay si David, pinili ng Diyos si Solomon para umupo sa “trono ni Jehova” sa Jerusalem. (1 Cronica 28:4, 5; 29:23) Kaya ang dinastiya ni David at ang Jerusalem ang kumatawan sa Kaharian ng Diyos sa lupa. Pagkamatay ni Solomon, maraming hari ang namahala sa Jerusalem, pero hindi naging tapat ang karamihan sa kanila. Nang bandang huli, pinahintulutan ni Jehova ang hukbo ng Babilonya na wasakin ang Jerusalem at alisin ang hari nito. Nangyari iyan noong 607 B.C.E. Mula noon, wala nang hari mula sa angkan ni David ang namahala sa literal na lunsod ng Jerusalem.​—Basahin ang Ezekiel 21:27.

2. Gaano katagal na walang kinatawan sa lupa ang Kaharian ng Diyos?

Pagkatapos wasakin ang Jerusalem, sinabi ni Jehova kay propeta Daniel nang maglaon na pipili Siya ng isang haring mamamahala mula sa langit. Kailan magsisimula ang pamamahala nito?​—Basahin ang Daniel 7:13, 14.

Binigyang-kahulugan ni Daniel ang isang pangitain kung saan iniutos ng Diyos na putulin ang isang napakalaking punungkahoy, kung paanong iniutos din Niyang putulin at wasakin ang kaharian sa Jerusalem. Pero dapat iwan ang ugat ng punungkahoy para tumubo itong muli pagkalipas ng “pitong panahon.” Ipinahihiwatig ng Bibliya na ang tatlo at kalahating “panahon” ay katumbas ng 1,260 araw, kaya ang “pitong panahon” ay 2,520 araw. (Apocalipsis 12:6, 14) Sa hula ng Bibliya, ang mga araw ay karaniwan nang nangangahulugang mga taon. (Bilang 14:34) Kaya ang Kaharian ng Diyos ay walang magiging kinatawan sa lupa sa loob ng 2,520 taon.​—Basahin ang Daniel 4:10-17.

3. Kailan naging Hari si Jesus?

Iniluklok ng Diyos si Jesus bilang Hari sa langit noong 1914, eksaktong 2,520 taon matapos wasakin ang Jerusalem. Pagkaupo ni Jesus bilang Hari, pinalayas niya sa langit si Satanas at ang mga demonyo nito. (Apocalipsis 12:7-10) Hindi iyon nakita ng mga tao, pero naranasan nila ang masasamang resulta nito. (Apocalipsis 12:12) Pinatutunayan ng mga pangyayari mula 1914 na si Jesus ay naging Hari noong taóng iyon.​—Basahin ang Mateo 24:14; Lucas 21:10, 11, 31.

4. Ano ang kahulugan sa iyo ng paghahari ni Jesus?

Ang natupad na mga hula tungkol sa paghahari ni Jesus ay patunay na makapagtitiwala ka sa Salita ng Diyos. Malapit nang gamitin ni Jesus ang kaniyang kapangyarihan bilang Hari para alisin ang lahat ng pagdurusa ng mga tao.​—Basahin ang Awit 72:8, 12, 13; Daniel 2:44.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang pahina 215-218 ng aklat na ito, Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

[Chart sa pahina 16, 17]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Oktubre Oktubre

607 B.C.E. 1914 C.E.

← 2,520 taon →

1000 B.C.E. 1 B.C.E. 1 C.E. 1000 C.E. 2000 C.E.

← 606.25 taon →← 1,913.75 taon →

Winasak ang Gumamit ng calculator: Iniluklok ng Diyos

kaharian sa 606.25 si Jesus bilang Hari

Jerusalem + 1,913.75 na nagtataglay ng

= 2,520 kapangyarihan sa mga

bansa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share