Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 5/1 p. 3
  • Bakit May Nagsasabing Malupit ang Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit May Nagsasabing Malupit ang Diyos?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • BAKIT TAYO NAPOPOOT SA KALUPITAN?
  • Si Jehova—Isang Malupit o Mapagmahal na Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Magtitiwala Ka ba sa Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Magwawakas Pa Kaya ang Kalupitan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Mga Kahatulan ng Diyos—Malupit ba ang mga Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 5/1 p. 3
[Larawan sa pahina 3]

Likas sa atin na magpakita ng habag at mapoot sa kalupitan

TAMPOK NA PAKSA: MALUPIT BA ANG DIYOS?

Bakit May Nagsasabing Malupit ang Diyos?

IKINAGULAT mo ba ang tanong sa pabalat ng magasing ito? Para sa ilan, imposible iyon. Pero marami na rin ang nag-aalinlangan tungkol dito, o nag-iisip na malupit nga ang Diyos. Bakit?

Ang ilang nakaligtas sa likas na mga sakuna ay nagtatanong: “Bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari ang mga ito? Wala ba siyang malasakit? Malupit ba siya?”

Ang iba ay nababagabag din sa mga ulat na nasa Bibliya. Halimbawa, kapag nabasa nila ang tungkol kay Noe at sa Baha, itinatanong nila, ‘Kung maibigin ang Diyos, bakit niya pinatay ang lahat ng taong iyon? Malupit ba siya?’

Naitanong mo na rin ba iyan? Wala ka bang maisagot sa mga taong nagtatanong kung malupit ba ang Diyos? Isaalang-alang ang isang naiibang tanong na maaaring makatulong.

BAKIT TAYO NAPOPOOT SA KALUPITAN?

Napopoot tayo sa kalupitan dahil may kakayahan tayong makilala ang tama at mali. Ibang-iba tayo sa mga hayop pagdating sa bagay na iyan. Nilalang tayo ng ating Maylalang “ayon sa kaniyang larawan.” (Genesis 1:27) Ano ang ibig sabihin niyan? Binigyan niya tayo ng kakayahang maipakita ang kaniyang mga katangian at pamantayang moral, ang pananaw niya sa kung ano ang tama at mali. Isaalang-alang ito: Kung ang kakayahan nating makilala ang tama at mali ay galing sa Diyos at napopoot tayo sa kalupitan, hindi ba’t patunay iyan na kinapopootan din ng Diyos ang kalupitan?

Ang pangangatuwirang iyan ay sinusuportahan ng Bibliya kung saan tinitiyak ng Diyos sa atin: “Ang aking mga lakad ay mas mataas kaysa sa inyong mga lakad, at ang aking mga kaisipan kaysa sa inyong mga kaisipan.” (Isaias 55:9) Kung sasabihin nating malupit ang Diyos, hindi ba’t para na rin nating sinabing mas mataas ang ating mga lakad kaysa sa mga lakad niya? Tiyak na mas mabuting magsuri muna bago mag-isip ng gayon. Siguro, ang dapat muna nating itanong ay hindi kung malupit ang Diyos, kundi kung bakit parang kalupitan ang ilan sa mga ginagawa niya. Para matulungan tayo, isaalang-alang natin kung ano talaga ang ibig sabihin ng “malupit.”

Kapag sinasabi nating malupit ang isa, iniisip nating masama ang kaniyang motibo. Ang isang malupit na tao ay natutuwa sa pagdurusa ng iba o walang pakialam sa dinaranas nila. Kaya kapag dinidisiplina ng isang ama ang kaniyang anak para lang saktan ang damdamin nito, masasabing malupit siya. Pero kapag dinidisiplina ng isang ama ang kaniyang anak para turuan o protektahan ito, masasabing mabuti siya. Madaling manghusga ng motibo ng iba dahil hindi naman natin laging alam kung bakit nila ginagawa ang isang bagay.

Isaalang-alang natin ang dalawang dahilan kung bakit may nag-iisip na malupit ang Diyos​—ang likas na mga sakuna ngayon at ang mga kahatulan ng Diyos na nasa Bibliya. Ipinakikita ba ng mga ito na malupit ang Diyos?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share