Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 9/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pag-aasawa?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Paano Magiging Masaya ang Inyong Pamilya?
    Magandang Balita Mula sa Diyos!
  • Ingatan ang Inyong Pagsasama Bilang Mag-asawa
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Pagkasumpong ng Kagalakan sa Kaloob na Pag-aasawa
    Gumising!—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 9/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Paano magiging maligaya ang mag-asawa?

Mabisa ang payo ng Bibliya tungkol sa pagkakaroon ng maligayang pag-aasawa dahil galing ito sa Tagapagpasimula ng pag-aasawa, ang Diyos na Jehova. Tinuturuan tayo nito na maglinang ng magagandang katangian na makatutulong para maging maligaya ang mag-asawa. Nagbababala ito tungkol sa mga saloobing makasisira sa pag-aasawa. Itinuturo din nito kung paano makikipag-usap para maging mas maligaya ang mag-asawa.​—Basahin ang Colosas 3:8-10, 12-14.

Dapat parangalan at igalang ng mag-asawa ang isa’t isa. Kapag ginagampanan ng bawat isa ang papel na ibinigay sa kanila ng Diyos bilang mag-asawa, maaari silang maging maligaya.​—Basahin ang Colosas 3:18, 19.

Ano ang makatutulong para magtagal ang pagsasama ng mag-asawa?

Kung mahal ng mag-asawa ang isa’t isa, tatagal ang kanilang pagsasama. Tinuturuan tayo ng Diyos kung paano magmahal. Siya at ang kaniyang Anak, si Jesus, ay nagpakita ng sakdal na halimbawa ng mapagsakripisyong pag-ibig.​—Basahin ang 1 Juan 4:7, 8, 19.

Kung iginagalang ng mag-asawa ang kaayusan ng Diyos sa pag-aasawa, mananatili silang magkasama. Nilayon ng Diyos na permanenteng magsama ang lalaki at babae para protektahan ang pamilya. Posibleng magtagal ang pagsasama ng mag-asawa dahil nilalang ng Diyos ang lalaki at babae para suportahan ang isa’t isa sa pisikal at emosyonal na paraan. Ginawa rin ng Diyos ang tao ayon sa Kaniyang larawan, na may kakayahang tularan ang Kaniyang pag-ibig.​—Basahin ang Genesis 1:27; 2:18, 24.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 14 ng aklat na ito, Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Mada-download sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share