Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 11/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ang Pupunta sa Langit, at Bakit?
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Pupunta ba sa Langit ang Lahat ng Tapat na Kristiyano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Sa Langit ba Mapupunta ang Lahat ng Mabubuting Tao?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 11/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Sino ang mapupunta sa langit, at bakit?

Milyun-milyong tao ang umaasang mapupunta sa langit pagkamatay nila. Sinabi ni Jesus na maninirahan doon ang kaniyang tapat na mga apostol. Bago siya mamatay, nangako siyang ipaghahanda niya sila ng isang dako kasama ng kaniyang Ama sa langit.​—Basahin ang Juan 14:2.

Bakit bubuhaying muli tungo sa langit ang mga taong mula sa lupa? Ano ang gagawin nila roon? Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga apostol na sila ay magiging mga hari. Mamamahala sila sa lupa.​—Basahin ang Lucas 22:28-30; Apocalipsis 5:10.

Lahat ba ng mabubuting tao ay mapupunta sa langit?

Sa maraming bansa, iilang tao lang ang namamahala. Yamang bubuhaying muli ni Jesus ang mga tao tungo sa langit para mamahala sa lupa, maaasahan nating iilan lang ang pipiliin niya. (Lucas 12:32) Sinasabi ng Bibliya ang eksaktong bilang ng mamamahalang kasama ni Jesus.​—Basahin ang Apocalipsis 14:1.

Ipinaghanda ni Jesus ng dako sa langit ang ilan sa kaniyang tagasunod. Alam mo ba kung ano ang gagawin nila roon?

Hindi lang ang mga mapupunta sa langit ang gagantimpalaan. Ang tapat na mga sakop ng Kaharian ni Jesus ay magtatamasa ng buhay na walang hanggan sa isang isinauling paraiso sa lupa. (Juan 3:16) Ang ilan ay papasok sa Paraiso pagkatapos makaligtas sa pagkawasak ng kasalukuyang napakasamang sistema ng mga bagay. Ang iba naman ay sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli.​—Basahin ang Awit 37:29; Juan 5:28, 29.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 8 ng aklat na ito, Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Mada-download sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share