Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w14 4/1 p. 3
  • Bakit Nagdarasal ang mga Tao?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Nagdarasal ang mga Tao?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Lumapit sa Diyos sa Panalangin
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Paglapit sa Diyos sa Panalangin
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
  • Ang Pribilehiyong Panalangin
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Tinuruan Tayo ni Jesus na Manalangin
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
w14 4/1 p. 3
Isang batang nagdarasal

TAMPOK NA PAKSA | DAPAT KA BANG MAGDASAL?

Bakit Nagdarasal ang mga Tao?

Lagi ka bang nagdarasal? Ginagawa iyan ng marami, kahit ng ilang ateista. Pero bakit ba nagdarasal ang mga tao? Ayon sa isang surbey sa France, 50 porsiyento ng mga mamamayang Pranses ang nagdarasal o nagmumuni-muni kung minsan para “gumaan ang pakiramdam.” Gaya ng maraming taga-Europa, hindi sila nagdarasal para sambahin ang Diyos. Sa halip, nagdarasal sila para lang “kumalma.” May ilang mananampalataya naman na tumatawag lamang sa Diyos kapag may kailangan sila, na umaasang sasagutin agad ang kanilang mga kahilingan.​—Isaias 26:16.

Ikaw naman? Iniisip mo ba na ang pagdarasal ay para lang makapag-isip nang malinaw? Kung naniniwala ka sa Diyos, nakikita mo ba sa iyong buhay ang bisa ng panalangin? O sa tingin mo ay hindi sinasagot ang iyong mga dasal? Matutulungan ka ng Bibliya na ituring ang pagdarasal, hindi bilang isang terapi para bumuti ang iyong pakiramdam, kundi bilang isang mahalagang paraan para mapalapít sa Diyos.

Mga taong nagdarasal: Isang manlalaro ng soccer na naka-score, lalaki sa tabi ng kaniyang asawa na nasa ospital, mga sundalo sa digmaan
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share