Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w14 6/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Ipinangako ng Diyos na Mananatili ang Planeta Natin
    Gumising!—2023
  • Di-kumukupas na Regalo Mula sa Maylalang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Ang Buháy na Planeta
    Saan Nagmula ang Buhay?
  • Sa Isyung Ito ng Gumising!
    Gumising!—2023
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
w14 6/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

May layunin ba kung bakit nilikha ang ating planeta?

Kabataang nakatingin sa makukulay na nilalang sa kalikasan

Ang lupa ay dinisenyo para maging isang napakasayang tahanan ng mga tao

Ang ating planeta ay tamang-tama para tirhan ng mga bagay na may buhay. Sagana ito sa tubig, na mahalaga sa buhay. Ang orbit, pag-ikot, at pagkakahilig ng axis ng lupa ay tamang-tama lang para hindi magyelo o mag-init nang husto ang karagatan. Pinoprotektahan ng atmospera at ng magnetic field ang lupa mula sa nakamamatay na radyasyon. Kahanga-hanga ang pagtutulungan ng buhay-halaman at buhay-hayop. Kaya naman iniisip ng marami na talagang may layunin ang pagkakadisenyo sa lupa.​—Basahin ang Isaias 45:18.

Pero baka maitanong mo, ‘Kasama ba sa layuning ito ang pagdurusa at kawalang-katarungan?’​—Basahin ang Deuteronomio 32:4, 5.

Matutupad ba ang layunin para sa lupa?

Dinisenyo ang lupa para maging masayang tahanan ng mga taong may paggalang sa isa’t isa at umiibig sa kanilang Maylalang. Kaya may nakahihigit na layunin ang pagkakalikha sa mga tao kaysa sa mga hayop at halaman. Puwede nating makilala ang ating Maylalang at pahalagahan at tularan ang kaniyang pag-ibig at katarungan.​—Basahin ang Eclesiastes 12:13; Mikas 6:8.

Magagawa ng ating Maylikha ang lahat ng gusto niyang gawin. Kaya makatitiyak tayong aalisin niya ang pagdurusa at kawalang-katarungan, at gagawing napakasayang tahanan ng tao ang ating planeta.​—Basahin ang Awit 37:11, 29; Isaias 55:11.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 3 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share