Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w14 10/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Magandang Balita Mula sa Diyos!
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Ano ba ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
w14 10/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Bakit dapat ipanalangin na dumating ang Kaharian ng Diyos?

Humahayo si Jesu-Kristo para lupigin ang mga kaaway ng Kaharian ng Diyos

Gusto mo bang malaman ang higit pa tungkol sa Kaharian ng Diyos at sa gagawin nito?

Ang Kaharian ng Diyos ay isang gobyerno sa langit. Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya na ipanalanging dumating ito dahil ibabalik nito ang katuwiran at kapayapaan sa lupa. Walang gobyerno ng tao na lubusang makapag-aalis ng sakit, karahasan, o kawalang-katarungan. Pero magagawa ito at gagawin ito ng Kaharian ng Diyos. Pinili ng Diyos ang kaniyang Anak, si Jesus, para maging Hari ng Kaharian. Pumili rin si Jehova ng mga tagasunod ni Jesus na makakasama ni Jesus na mamahala sa Kaharian.​—Basahin ang Lucas 11:2; 22:28-30.

Malapit nang alisin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng sumasalansang sa pamamahala ng Diyos. Kaya ang panalanging dumating nawa ang Kaharian ng Diyos ay paghiling na palitan na sana ng gobyerno ng Diyos ang lahat ng gobyerno ng tao.​—Basahin ang Daniel 7:13, 14; Apocalipsis 11:15, 18.

Bakit matutulungan ng Kaharian ng Diyos ang mga tao?

Dahil ang Hari ng Kaharian na si Jesus ay mahabagin. At bilang Anak ng Diyos, may kapangyarihan din siyang tulungan ang lahat ng humihingi ng tulong sa Diyos.​—Basahin ang Awit 72:8, 12-14.

Matutulungan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng taimtim na nananalanging dumating ito at namumuhay kaayon ng kalooban ng Diyos. Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pag-aaral ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos.​—Basahin ang Lucas 18:16, 17; Juan 4:23.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 8 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share