Introduksiyon
ANO ANG MANGYAYARI SA HINAHARAP?
Naisip mo na ba kung ano ang magiging kinabukasan mo at ng iyong pamilya? Sinasabi ng Bibliya:
“Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at titira sila roon magpakailanman.”—Awit 37:29.
Tutulungan ka ng isyung ito ng Bantayan na maintindihan ang napakagandang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan at sa lupa at kung ano ang dapat mong gawin para makinabang sa layuning iyan.