Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w18 Hulyo p. 30-31
  • Gawing Mas Makabuluhan at Kasiya-siya ang Pag-aaral Mo ng Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gawing Mas Makabuluhan at Kasiya-siya ang Pag-aaral Mo ng Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Gusto Niya Tayong Magtagumpay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Josue 1:9—“Huwag Kang Matatakot; Huwag Kang Masisindak”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
  • Pag-aaral—Kapaki-pakinabang at Kasiya-siya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Paano Ka Mas Makikinabang sa Pagbabasa ng Bibliya?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
w18 Hulyo p. 30-31
Si Josue habang nagbabasa ng Kautusan sa liwanag ng lampara

Gawing Mas Makabuluhan at Kasiya-siya ang Pag-aaral Mo ng Bibliya

Si Josue habang nagbabasa ng Kautusan; bumagsak ang mga pader ng Jerico pero nakatayo pa rin ang bahay ni Rahab; si Josue habang nananalangin nang nakataas ang mga kamay

NAPAPAHARAP si Josue sa isang mabigat na hamon. Pangungunahan niya ang bansang Israel patungo sa Lupang Pangako at hindi ito madali. Pero tinitiyak sa kaniya ni Jehova na magtatagumpay siya, sa pagsasabi: ‘Magpakalakas-loob ka at magpakatibay. Gawin mo ang aking kautusan. Basahin ito araw at gabi, upang maingatan mong gawin ang ayon sa lahat ng nakasulat dito. Sa gayon ay magtatagumpay ka at kikilos nang may karunungan.’—Jos. 1:7, 8.

Tayo ngayon ay nasa “panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan,” kaya napapaharap din tayo sa mabibigat na hamon. (2 Tim. 3:1) Tulad ni Josue, magtatagumpay rin tayo kung susundin natin ang payo na ibinigay sa kaniya ni Jehova. Regular na basahin ang Bibliya at maingat na ikapit ang mga simulain nito sa mga pagsubok na napapaharap sa atin.

Gayunman, aminado ang marami sa atin na hindi tayo mahusay na estudyante at nahihirapan tayong mag-aral. Pero dahil napakahalaga ng pag-aaral sa Bibliya, puwede nating repasuhin ang kahong “Subukan ang mga Mungkahing Ito” at alamin ang ilang magagandang mungkahi para maging mas makabuluhan at kasiya-siya ang iyong pag-aaral.

“Palakarin mo ako sa landas ng iyong mga utos,” ang awit ng salmista, “sapagkat iyon ay kinalulugdan ko.” (Awit 119:35) Puwede kang mag-enjoy sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Sa paghuhukay ng espirituwal na kayamanan, makakatuklas ka ng magagandang hiyas.

Hindi ka naman gaya ni Josue na mangunguna sa isang bansa, pero mapapaharap ka rin sa mga hamon. Kaya tulad ni Josue, mag-aral ka at sundin ang nakaulat sa Bibliya para makinabang ka. Kapag ginawa mo iyan, magtatagumpay ka rin at kikilos nang may karunungan.

SUBUKAN ANG MGA MUNGKAHING ITO

  • Lalaking magkadaop ang palad habang nananalangin

    Manalangin bago mag-aral. Ang Bibliya ay naglalaman ng kaisipan ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat na ipinasulat niya para sa iyong kapakinabangan. Kaya kapag binabasa mo ang Bibliya, hingin ang tulong niya para maintindihan ito, matandaan, at maikapit sa iyong buhay.—Ezra 7:10.

  • Lalaking nagtatanong sa sarili

    Tanungin ang sarili habang nagbabasa ka ng Bibliya o ng salig-Bibliyang literatura: ‘Ano ang sinasabi nito sa akin tungkol kay Jehova? Ano ang kaugnayan nito sa kabuoang mensahe ng kaniyang Salita? Paano ko ito magagamit para tulungan ang iba?’

  • Lalaking nagbubulay-bulay

    Bulay-bulayin ang napag-aralan. Huminto sa pagbabasa at mag-isip: ‘Ano ang epekto sa akin ng binasa ko? Bakit ganoon ang nadama ko? Ano ang kaugnayan nito sa mga naranasan ko noon, nararanasan ngayon, o posibleng maranasan sa hinaharap? Paano ko maikakapit ang mga simulaing ito ng Bibliya at ang payong ito sa aking buhay?’ (Job 23:5; Awit 49:3) Tingnan kung maipaliliwanag mo kung bakit hinihimok ni Jehova ang kaniyang bayan na umiwas sa ilang gawain o kung ano ang malamang na maging resulta kung sa ibang paraan hinarap ang isang sitwasyon.—Deut. 32:28, 29.

  • Lalaking nag-i-imagine ng mga ulat ng Bibliya

    Paganahin ang imahinasyon kapag nagbabasa ng mga talatang may mga paglalarawan. Halimbawa, mailalarawan mo ba ang eksena habang si Jose ay ibinebenta ng mga kapatid niya sa mga Ismaelita? (Gen. 37:18-28) Ano ang iyong nakikita, naririnig, at naaamoy? Isipin mong ikaw ang nasa kalagayan ng mga tauhan. Ano kaya ang kanilang iniisip at nadarama? Sa paggawa nito, nagiging mas buháy at makabuluhan ang iyong pag-aaral.

  • Lalaking gumagamit ng mga pantulong sa pag-aaral

    Gamitin ang mga pantulong sa pag-aaral na inilaan para mapalawak ang iyong pagre-research. Maging pamilyar sa mga pantulong na available sa iyong wika, online man o nakaimprenta. Huwag mahiyang magpatulong sa iba kung paano gagamitin nang tama ang mga ito. Halimbawa, ang Watch Tower Publications Index o ang Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova ay tutulong sa iyo na makita ang mga publikasyon tungkol sa maraming paksa at ang paliwanag sa maraming talata sa Bibliya. Gamitin ang buklet na Tulong sa Pag-aaral ng Salita ng Diyos, na may mahahalagang impormasyon tungkol sa heograpiya, kronolohiya, mga panimbang at panukat, at iba pa.

  • Lalaking kumukuha ng mga pangunahing punto

    Kunin ang mga pangunahing punto ng materyal para tumulong sa iyo na matandaan ang iyong pinag-aralan. Mas maganda kung ibabahagi mo ito sa iba. May nakita ka bang puwede mong gamitin sa ministeryo? Sa paggawa nito, hindi mo lang matatandaan ang mga pangunahing punto, magagamit mo rin ang mga ito para makinabang ang iba.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share