Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w19 Enero p. 31
  • Bagong Miyembro ng Lupong Tagapamahala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bagong Miyembro ng Lupong Tagapamahala
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Kaparehong Materyal
  • Kapitan James Cook—Matapang na Manggagalugad ng Pasipiko
    Gumising!—1995
  • Bagong Miyembro ng Lupong Tagapamahala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Mga Bagong Miyembro ng Lupong Tagapamahala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Bagong mga Miyembro ng Lupong Tagapamahala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
w19 Enero p. 31
Kenneth at Jamie Cook

Si Kenneth E. Cook, Jr., at ang misis niyang si Jamie

Bagong Miyembro ng Lupong Tagapamahala

NOONG Enero 24, 2018, Miyerkules ng umaga, natuwa ang pamilyang Bethel sa United States at Canada sa isang napakagandang patalastas: Si Brother Kenneth Cook, Jr., ay miyembro na ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova.

Si Brother Cook ay ipinanganak at lumaki sa south-central Pennsylvania, U.S.A. Nalaman niya ang katotohanan mula sa kaniyang kaklase bago siya magtapos ng high school, at nabautismuhan siya noong Hunyo 7, 1980. Naglingkod siya bilang regular pioneer noong Setyembre 1, 1982, at pagkaraan ng dalawang taon, tinawag siyang maglingkod sa Bethel sa Wallkill, New York, noong Oktubre 12, 1984.

Sa sumunod na 25 taon, naatasan si Brother Cook sa iba’t ibang gawain sa Printery at sa Bethel Office. Ikinasal sila ng misis niyang si Jamie noong 1996, at naglingkod silang mag-asawa sa Bethel sa Wallkill. Noong Disyembre 2009, inilipat sina Brother at Sister Cook sa Watchtower Educational Center sa Patterson, New York, kung saan naatasan si Brother Cook na maglingkod sa Writing Correspondence Department. Pansamantala silang bumalik sa Wallkill, pero inilipat sila sa Brooklyn, New York, noong Abril 2016. Pagkaraan ng limang buwan, muli silang inilipat sa pandaigdig na punong-tanggapan sa Warwick, New York. At noong Enero 2017, inatasan si Brother Cook bilang katulong ng Writing Committee ng Lupong Tagapamahala.

Ang Lupong Tagapamahala ay binubuo ngayon ng walong pinahirang brother:

K. E. Cook, Jr.; S. F. Herd; G. W. Jackson; M. S. Lett; G. Lösch; A. Morris III; D. M. Sanderson; D. H. Splane

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share