Teokratikong mga Balita
◆ Ang Brazil ay nagkaroon ng tatlong peak sa nakaraang taon, ang pinakahuli ay 166,900. Sila ay nagdaos ng isang bagong peak na 167,470 mga pag-aaral sa Bibliya at tinamo ang kanilang ika-20 sunod-sunod na peak ng mga regular payunir, na 5,201 ang nakibahagi sa gawaing ito.
◆ Ang Canada ay nag-ulat ng 6-porsiyentong pagsulong sa mamamahayag na 81,376 na lumabas sa larangan. Sila ay nagkaroon din ng mga bagong peak na 42,798 na mga pag-aaral sa Bibliya at 3,212 mga regular payunir.
◆ Ang Cyprus ay nagkaroon ng kaniyang ikatlong sunod-sunod na peak na 1,083 nag-ulat. Ang dumalo sa Memoryal ay 2,165.
◆ Ang kabuuang 234 mga mamamahayag sa Guam ang siyang pinakamataas kailanman, na 11-porsiyentong pagsulong. Taglay ang mga bagong peak na 392 mga pag-aaral sa Bibliya at 3,001 mga pagdalaw-muli at aberids na 11.7 sa oras na ginugol ng mga mamamahayag sa larangan, ang maaasahan ay mabuti ukol sa pagsulong sa hinaharap.