Serye ng mga Pahayag Pangmadla sa Bagong Aklat na Creation
1 Mula sa Marso 16 hanggang Mayo 4, 1986, magkakaroon ng walong mga pahayag salig sa materyal na nasa aklat na Creation. Sa pasimula ng unang pahayag babanggitin ng tsirman na ito ay serye ng walong pahayag na magkakaugnay, salig sa materyal na nasa aklat. Himukin ang lahat ng nasa kongregasyon, lakip na ang mga kabataan, na dalhin ang kanilang kopya ng aklat sa serye ng mga pahayag.
2 Sa bawa’t pahayag, ibabaling ng tagapagsalita ang tagapakinig sa iba’t ibang pahina at ipaliliwanag ang mga nakapagtuturong ilustrasyon na magpapatibay sa punto na ipinaliliwanag niya. Sa katapusan ng bawa’t pahayag, banggitin kung ano ang tatalakayin sa susunod na linggo.
3 Ang sumusunod ay pamagat ng mga pahayag at ang mga kabanata sa aklat na Creation na kinasasaligan nito:
1—Papaano Nagpasimula ang Buhay? (Kabanata 1-4)
2—Ang Agwat sa Pagitan ng Tao at Hayop (Kabanata 5-8)
3—Ang Kagilagilalas na Sansinukob at Planetang Lupa (Kabanata 9, 10)
4—Ang Paglalang ay Nagpapatotoo sa Banal na Karunungan (Kabanata 11-13)
5—Ang Himala ng Tao (Kabanata 14)
6—Bakit Pinahihintulutan ng Isang Maibiging Diyos ang Pagdurusa (Kabanata 15, 16)
7—Bakit Makapagtitiwala Ka sa Bibliya (Kabanata 17, 18)
8—Pagiging Karapatdapat sa Dumarating na Paraiso (Kabanata 19, 20)