Teokratikong mga Balita
◆ Ang Ivory Coast ay nagkaroon ng isang bagong peak ng 2,388 na mga mamamahayag. Yamang sila ay may aberids na halos dalawang pag-aaral sa Bibliya bawa’t mamamahayag, higit na pagsulong ang walang pagsalang makikita.
◆ Nag-ulat ang El Salvador ng isang bagong peak na 15,141 mga mamamahayag, 5-porsiyentong pagsulong ang kahigitan kaysa nakaraang taon sa gayon ding buwan.
◆ Ang Switzerland ay nag-ulat ng ilang mga bagong peak, na 13,999 mga mamamahayag, 88,265 na mga pagdalaw-muli, at 8,838 mga pag-aaral sa Bibliya.
◆ Ang Belize kamakailan ay nagtapos sa kanilang serye ng mga pansirkitong asamblea, na may pinakamataas na bilang na 1,742 ang dumalo. Sila ay nag-ulat ng 705 na mga mamamahayag sa buwan ding iyon.