Gamitin ang Index Upang Sumulong sa Espirituwal
1 Mula noong 1930 hanggang 1985 ang Samahan ay naglathala ng maraming iba’t ibang pantulong sa pag-aaral ng Bibliya. Ang espirituwal na pagkaing ito ay inilaan bilang “pagkain sa wastong panahon” upang tulungan ang mga taong taimtim na “patuloy na magsilago sa . . . kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas, si Jesu-Kristo.” (Mat. 24:45; 2 Ped. 3:18) Ngayon ay taglay na natin ang Watch Tower Publications Index 1930-1985 na tumutulong sa atin na hanapin ang espisipikong impormasyong kailangan natin. Tutulong ito sa atin nang malaki sa ating pagsisikap na gumawa ng pagsulong sa espirituwal.—Kaw. 4:18; 9:9.
2 Kung kabisado nating gamitin ang Index ay madaling makita ang impormasyong kailangan natin sa paghahanda ng mga pahayag, mga prfsentasyon sa paglilingkod sa larangan, at mga report, o sa pagsagot sa mga tanong may kaugnayan sa ating pananampalatayang Kristiyano. Malaki ang tulong nito sa ating personal at pampamilyang pag-aaral, sa paghahanda para sa mga pulong, at sa pangangaral at pagtuturo. (Col. 4:6) Kailangang alamin nating mabuti ang iba’t ibang katangian nito.
MGA KATANGIAN
3 Isang malaking tulong sa Index na ito ay na ang regular na mga artikulo ng The Watchtower at Awake! ay nakalista sa ilalim ng kani-kanilang uluhan, tulad baga ng “Questions From Readers,” “Young People Ask. . . ,” at “The Bible’s Viewpoint.” Gayundin, ang mga tanong sa Ating Ministeryo sa Kaharian ay nakalista nang hiwalay sa ilalim ng “Question Box.” Sa ganitong paraan ang espisipikong impormasyon ay madaling mahanap ng mga magulang, tagapangasiwa, at mamamahayag.
4 Isa pang mainam na katangian ng Index na ito ay ang seksiyon sa ilalim ng “Dates,” na may mga sub-titulong “B.C.E.,” “C.E.,” at “Clarification of Beliefs.” Gayundin, ang indise ng mga kasulatan ay nirebisa anupa’t ang inililista ngayon ay yaon lamang mga reperensiya na nagbibigay ng mahalagang paliwanag ng mga bersikulong binanggit.
5 Tinutulungan tayo ng Index na pahalagahan ang pasulong na paglago ng ating pagkaunawa sa maraming paksa sa Bibliya. (Tingnan ang pahina 5, parapo 6 ng Index.) Ipinakikita itong mabuti sa paraan ng paglilista ng impormasyon sa salitang “porneia.” Sa ilalim ng “meaning of word,” ang pinakabagong reperensiya ang unang itinala. Higit na impormasyon ay masusumpungan sa ilalim ng ibang mga sub-titulo.—Tingnan ang Index, pahina 669.
ISANG MAHALAGANG KASANGKAPAN
6 Pinasisigla tayo ng Kawikaan 2:4, 5 na hanapin ang kaalaman ng Diyos na tulad sa natatagong kayamanan. Ang paghanap na ito ay humihiling ng pagsisikap at pagtitiyaga. Ito’y nangangailangan ng masusing pagsasaliksik. Anong inam na kasangkapan ang inilaan ng “tapat at maingat na alipin” upang gamitin natin sa paggawa nito! Pakinabangan nating mabuti ang Index.