Teokratikong mga Balita
◆ Ang Lesotho ay nakapag-ulat ng isang bagong peak na 1,068 na mga mamamahayag. Ang di karaniwang bagyo ng niyebe sa mga bundok ay nakahadlang sa gawain ng maraming payunir at mamamahayag, subali’t walang nasaktan o namatay sa ating mga kapatid dahilan sa matinding lamig.
◆ Ang Malaysia ay naligayahang mag-ulat ng isang bagong peak na 861 mga mamamahayag.
◆ Ang Panama ay nakaabot sa kaniyang ikaapat na sunod-sunod na peak ng mamamahayag nang 5,138 ang nag-ulat, 8-porsiyentong pagsulong kaysa aberids noong nakaraang taon.
◆ Ang Portugal ay nagkaroon ng isang bagong peak ng mamamahayag nang 32,202 ang nag-ulat. May 21-porsiyentong pagsulong sa bilang ng mga regular payunir kung ihahambing sa gayunding buwan noong nakaraang taon.
◆ Ang Thailand ay nagkaroon ng isang bagong peak na 952 mga mamamahayag.
◆ Ang mga kapatid sa Truk ay nag-ulat ng isang bagong peak na 55 mga mamamahayag, 45-porsiyentong pagsulong kaysa aberids noong nakaraang taon. Ang kanilang pansirkitong asamblea kamakailan ay nagkaroon ng pinakamataas na bilang ng dumalo na 108.
◆ Sa 32 mga “Magtiwala kay Jehova” na pandistritong kombensiyon sa Pilipinas, ang pinakamataas na bilang ng dumalo ay 208,494, at 3,156 ang nabautismuhan.