1989 Kalendaryo
1 Sa loob ng anim na taon tayo ay nasiyahan sa mga kalendaryong may makukulay na tagpo ng pangangaral ng ating mga kapatid sa iba’t ibang lupain. Subali’t para sa 1989 tayo ay may naiibang klase ng kalendaryo na masusumpungan ninyong kapakipakinabang.
2 Ang 1989 kalendaryo ay maghaharap ng serye ng magagandang larawan ng mga lugar sa Lupang Pangako. Sa ibaba ng bawa’t malaking larawan ay may komento hinggil sa nakikita natin sa larawan. Magkakaroon din ng mga detalye hinggil sa mga pangyayari sa Bibliya na naganap sa lugar na iyon o mga salita na nagpapakita kung bakit ang lugar ay mahalaga sa atin bilang mga estudiyante ng Bibliya.
3 Ang kalendaryo ay patuloy na magkakaroon ng eskedyul sa pagbasa ng Bibliya gaya ng dati. Subali’t masusumpungan ninyo na may bagong gamit ito dahilan sa maliwanag na mga larawan ng Lupang Pangako. Halimbawa, ang Enero/Pebrero ay nagpapakita ng larawan ng Megido mula sa himpapawid, na magagamit ninyo sa isang pag-aaral sa Bibliya upang ipaliwanag ang kahulugan ng Armagedon. Maaari ding gamitin ng mga magulang ang mga larawan kapag tinatalakay ang mga kuwento ng Bibliya sa kanilang mga anak.
4 Ang mga larawan at komento ay may numero upang ang mga ito ay madaling tukuyin kapag tinatalakay ang isang pangyayari sa Bibliya sa bahagi ng pulong sa paglilingkod. Nanaisin ng iba na kumuha ng ekstrang kalendaryo upang ikuwadro ang mga larawan. Pakisuyong isaalang-alang ito kapag nagbibigay ng inyong pidido.