Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/89 p. 1-8
  • Pagpapamalas ng Pag-ibig sa Diyos at sa Kapuwa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapamalas ng Pag-ibig sa Diyos at sa Kapuwa
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAPAANO IPAMAMALAS ANG PAG-IBIG
  • PAPAANO MAKIKIBAHAGI SA ABRIL
  • ‘Ibigin Mo ang Iyong Kapuwa Gaya ng Iyong Sarili’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kung Ano ang Ibig Sabihin ng Ibigin ang Ating Kapuwa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Iniibig Mo Ba ang Iyong Kapuwa Gaya ng Iyong Sarili?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Gaano Kalawak ang Iyong Pag-ibig?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
km 4/89 p. 1-8

Pagpapamalas ng Pag-ibig sa Diyos at sa Kapuwa

1 Bilang sagot sa katanungang: “Guro, alin ang pinakadakilang utos sa Kautusan?” si Jesus ay sumagot: “‘Iibigin mo si Jehova mong Diyos ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo at ng buong pag-iisip mo.’ Ito ang dakila at pangunang utos. Ang pangalawang katulad ay ito, ‘Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.’”—Mat. 22:36-39.

2 Ang malalim na pag-ibig ni Jesus sa Diyos ay maliwanag nang kaniyang sabihin: “Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa.” (Juan 4:34) Ang pag-ibig niya sa kapuwa ay nagpakilos sa kaniya na ipangaral nang masigasig ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. Siya rin ay gumawa ng pagpapagaling. At anong sukdulang kapahayagan ng pag-ibig ang namalas nang kaniyang ibigay ang kaniyang buhay bilang pantubos alang-alang sa sangkatauhan! Papaano natin tutularan si Jesus sa pagpapakita ng pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa?

PAPAANO IPAMAMALAS ANG PAG-IBIG

3 Ang pagsasabi sa iba ng mabuting balita ng Kaharian ay isang pangunahing paraan upang gawin ito. Ang mga tao ay kailangang bigyan ng pag-asa at impormasyon upang matulungan silang harapin ang mapanganib na panahong ito. (2 Tim. 3:1) Ang ating pananampalataya sa Kaharian ay dapat na magpakilos sa atin na bigyan ng pagkakataon ang lahat na makarinig ng katotohanan. Ang pagsasalita ng hinggil sa Kaharian ay nagbibigay ng karangalan kay Jehova. Taglay ba natin ang gayong pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa? Sinasamantala ba natin ang lahat ng pagkakataon upang magpatotoo sa impormal na paraan sa mga kamag-anak, kapitbahay, at sa iba pa? Tayo ba ay lubusang nakikibahagi sa pangangaral ng Kaharian sa bahay-bahay?

4 Nadarama ng ilan na yaon lamang may pinag-aralan ang kuwalipikadong magdala ng gayong mahalagang mensahe. Sa halip na maging gayon, ang ating pagtitiwala kay Jehova ang siyang mahalaga. (Luc. 11:13; 1 Cor. 1:26, 29, 31) Ang pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa ang tutulong sa atin na mapagtagumpayan ang negatibong saloobin at masumpungan ang tunay na kagalakan sa ministeryo. Kapag nababatid natin na tayo’y tumutulong sa mga tao na “pawang nangahahapis at nangangalat na gaya ng mga tupa na walang pastol,” hindi tayo magiging labis na palaisip tungkol sa ating sarili.—Mat. 9:35, 36.

PAPAANO MAKIKIBAHAGI SA ABRIL

5 Sa Abril tayo ay may pantanging mainam na pagkakataon na ipahayag ang ating pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa sa pamamagitan ng lubusang pakikibahagi sa ministeryo at sa pamamagitan ng pagtulong din sa mahihina at mga baguhan na makabahagi. Bukod dito tayo ay mag-aalok ng isang taóng suskripsiyon sa Ang Bantayan sa abuloy na ₱60.00. Ang mga isyu sa Abril ay naglalaman ng impormasyon na naglalantad sa Babilonyang Dakila, na makatutulong sa marami na gumawa ng pagpapasiya na lumabas mula sa kaniya. Ang bagong Paksang Mapag-uusapan ay nagdiriin sa kahatulan ni Jehova laban sa kaniya. Bagaman ito ay isang matinding mensahe, ito ay nagpapahayag ng tunay na pag-ibig doon sa mga “nangagbubuntong-hininga at nagsisidaing” sa kabalakyutan sa sanlibutan dahilan sa kanilang matuwid na puso.—Ezek. 9:4; Apoc. 18:4.

6 Pagsikapan nawa nating lahat na ipamalas ang ating pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa sa pamamagitan ng paghahayag ng Kaharian ni Jehova sa lahat ng pagkakataon sa buwan ng Abril!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share