Maging Banal sa Lahat ng Inyong Paggawi
1 Ang kabanalan ay isang kahilingan para sa mga lingkod ng Diyos sa ngayon. Kaya kailangan nating unawain kung ano ang kabanalan at kung papaano at bakit kailangan din ito sa ating pagsamba kay Jehova. Dahilan dito, “Maging Banal sa Lahat ng Inyong Paggawi” ang tema ng programa ng pantanging araw ng asamblea na magpapasimula sa Marso, 1991.—1 Ped. 1:15.
2 Yamang ang mga batas ni Jehova ay nagmumula sa kaniya bilang ang Banal na Diyos, ang matuwid na katayuang ating tinatamasa ay isang tuwirang resulta ng ating personal na kaugnayan sa kaniya. Kaya, ang programa ay magpapakita ng ilang paraan kung papaano natin mapasusulong ang ating relasyon sa Diyos. Ito ay sumasaklaw sa pagsunod sa kaniyang banal na mga pamantayan, kahit na sa maliliit na bagay. (Luc. 16:10) Tayo’y matutulungang malinang nang malalim ang pagpapahalaga sa mga kahilingan ni Jehova at ang mga ito ay dapat na maka-impluwensiya sa lahat ng ating iniisip, saloobin, at mga daan.
3 Ang dalawang pangunahing pahayag na bibigkasin ay “Magpasailalim sa Pasulong na Paglilinis” at “Pagpapalawak sa Gawain ng Banal na Bayan ni Jehova.” Habang ang nakagigitlang mga pangyayari sa daigdig ay nagdiriin sa pagkaapurahan ng panahon, ang programa ng pantanging araw ng asamblea ay magpapasigla sa atin na patuloy na kumilos nang may kabanalan, upang lubos na maging kalugod-lugod kay Jehova.—1 Ped. 1:14, 16.