Teokratikong mga Balita
◆ Nalampasan ng Canada ang 100,000 kabuuang mamamahayag noong Abril, taglay ang isang bagong peak ng mamamahayag na 100,368.
◆ Ang Cape Verde Islands ay nagkaroon ng isang peak na 410 na mga mamamahayag noong Abril para sa 19-porsiyentong pagsulong kaysa aberids noong nakaraang taon. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 14.5 oras, at isang peak na 856 na mga pag-aaral sa Bibliya ang iniulat.
◆ Ang Abril ay isang namumukod-tanging buwan sa Honduras. Sila’y nakaabot sa mga bagong peak sa mamamahayag, payunir, oras, magasin, pagdalaw-muli, at pag-aaral sa Bibliya. Tatlong bagong kongregasyon rin ang naitatag. Ang 5,706 na mga mamamahayag ay nagdaos ng 9,614 mga pag-aaral sa Bibliya.
◆ Ang South Africa ay nagkaroon ng isang bagong peak na 48,590 mga mamamahayag noong Abril. Sila’y nagkaroon din ng isang namumukod-tanging bagong peak na 49,968 na mga pag-aaral sa Bibliya.