Teokratikong mga Balita
Ang namumukod tanging gawain sa pag-aaral ng Bibliya ay iniulat noong Nobyembre mula sa sumusunod na mga bansa kung saan nagkaroon kamakailan lamang ng opisyal na pagkilala sa ating gawain:
Albania: Ang may kabuuang bilang na 99 mga mamamahayag ay nagdaos ng 210 mga pag-aaral sa Bibliya.
Baltic States: Ang mga bansang ito ay nag-ulat ng kabuuang 2,199 na mga mamamahayag at 4,632 mga pag-aaral sa Bibliya.
Bulgaria: Ang kanilang 296 na mga mamamahayag ay nag-ulat na 657 mga pag-aaral sa Bibliya.
Ang ilang nakapagpapatibay na ulat ay nanggaling din sa Aprika:
Central African Republic: Isang bagong peak na 1,600 mga mamamahayag ang naabot noong Oktubre, at sila’y nag-ulat ng 2,966 na mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
Chad: Taglay ang 345 mga mamamahayag noong Oktubre, ang dumalo sa kanilang programa para sa anim na pantanging araw ng asamblea ay 654.
Rwanda: Noong Nobyembre ang nag-ulat na 1,762 mga mamamahayag ay nagdaos ng 6,270 mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya.